Chapter 33

654 22 1
                                    

Deal

Paris' POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paris' POV

Exams na next week. I am so tired and I am really exhausted. I admit that I am smart, but I also admit that I am lazy. Matalino nga, tamad naman. Halos hindi na nga kami mag kakitaan ni Jazz dahil siguro busy'ng busy na rin siya sa pag rereview. Ewan ko ba kung nag rereview nga 'yon.

Tinatamad akong mag-aral dahil 'yon lang iyong ginawa namin buong araw. Sumasakit na 'yong mga mata ko kakabasa ng mga makakapal na libro saka notes. Tinatamad rin kasi akong kumopya sa board kaya pinipicturan ko na lang gamit ng phone ko. Ngayon ko lang narealize na mahirap pala mag-aral sa phone, hindi ako sanay at masakit sa mata. Masyadong nakakahilo.

Gusto kong mag relax at pumunta sa kung saang lugar sa school na mahangin at wala masyadong tao. Siguro kahit papaano ay ganahan man lang ako sa pag-aaral doon.

Napag-isipan kong pumunta sa school garden wherein may mga benches din doon na pwedeng tambayan. Hindi ko kasama sina Chez saka Caroline kasi silang dalawa lang naman talaga iyong magka-study buddy. Oo, three of us are friends pero when it comes to this, umiiba ako sa kanila. Ibang level sila when it comes sa pautakan at aaminin kong mas matalino sila kesa sa akin. Yeah, yeah, pero mas maganda naman yata ako? So, walang dahilan para lumamang sila sa akin at wala ring dahilan para lumamang din ako sa kanila.

Sinaksakan ko ng earphones ang magkabilang tainga ko at nakinig sa music habang papunta ako roon. Sabi na eh, hindi matao rito.

Umupo ako sa isang bench. Actually, dalawang benches nga pero may sementadong table rin sa gitna na pinapagitnaan ng mga bench kaya magandang lugar na pag gawan ng homeworks saka projects. Wala lang siguro masyadong tao dahil sa medyo malayo pa ang lalakarin mo para lang makarating dito.

Nag simula na akong bumuklat ng libro nang may mahagilap ang mga mata ko sa kabilang dulo ng garden na nakaupo rin sa isang benches doon sa medyo hindi rin naman kalayuan. Nag salubong ang dalawang kilay ko nang mapagtanto ko kung sino 'yon.

Dahan-dahan akong tumayo at binitbit ang mga gamit ko. Lumapit ako sa kanya para lang kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko.

I knew it.
It was him.

But, he looks strange? What is wrong with this guy? Ilang araw lang kaming hindi masyadong nag kakasama may mga kababalaghan na siyang ginagawa.

Nang makalapit na ako nang tuluyan at alam kong naramdaman niya na ang presensya ko pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. He's wearing a reading glass, karaniwang sinusuot ng mga nerd pero mautak na mga schoolmates namin. Magkakasunod-sunod na nakabuklat ang tatlong libro sa harapan niya habang prente lang itong nakaupo at nakahawak pa sa kanyang baba. Ewan ko ba kung magiging proud ba ako sa kanya o matatawa. He looks like an old man I saw in the movies na parang bumubuo ng ritwal sa harap ng santo.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon