• Fiancè •
Paris' POV
Yakap-yakap ang sarili akong pumasok sa bahay habang basang-basa ang buong katawan. Napatigil ako nang makita si mom sa sala na nag-aalalang tumayo nang makita ako.
"Are you okay? Bakit basang-basa ka?"
Tiningnan ko siya ng masama. "I just broke up with him. I hope you're happy now." Matigas na sabi ko saka tuluyan nang umakyat sa kwarto dahil hindi ko na rin kaya pang pigilan ang bigat na nararamdaman ko sa ngayon.
Napaupo ako sa kama at doon ko na ibinuhos lahat ng luhang hindi ko pa lubos naibuhos kanina.
"You're just my mother, hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko at wala kang karapatan para diktahan ako sa nararamdaman ko kay Jazz. You don't know anything about us."
Matapos ko iyong sabihin ay pumasok na ako sa kwarto at doon nag-iiyak. Akala ko pa naman noon, hahayaan niya akong maging masaya sa piling ni Jazz pero ngayon, siya pa itong nangunguna para utusan akong hiwalayan siya.
Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Hindi rin siguro nito matanggap na kaya ko na siyang sabatin ng ganoon.
"Nalimutan mo na ang lahat, Paris. Binulag ka na ng pagmamahal niya sa 'yo! Nakukuha mo na akong sagot-sagutin ng ganyan? Asan na ang respeto mo sa akin? Sa amin ng dad mo? Noong binalaan ka ng dad mo na lumayo sa kanya, I tried to be silent. Alam ko kung saan kayo pumupunta, saan kayo naroroon, hinayaan kita maging masaya sa kanya.. hinayaan kita maging masaya." Nagsimula na rin itong umiyak.
Hindi ko na rin mapigilan pang humagulgol sa harap niya. I know that my mom loves me that much but, hindi ako makakapayag na ilayo niya ako sa isang bagay na nagpapasaya sa akin.
"Ngayon, pwede bang ako naman ang hayaan mong maging masaya?"
Natahimik ako saka tiningnan siya sa kanyang mata. "So, nagiging masaya ka pala kapag nasasaktan ako?" Pandidiretso ko sa kanya.
"No, of course not." Umiling ito. "Sundin mo lang ang gusto ko, doon ako magiging masaya."
Umiling din ako ng ilang beses sa kanya. Paano niya naman nakukuhang maging masaya kung masasaktan naman ako. "You know how much I love you, and dad. Pero ayaw kong saktan si Jazz, ayaw ko, ayaw ko siyang iwan."
Lumapit ito at tumabi sa akin. She cupped my face. "If you will not do this, mas lalo siyang masasaktan."
Napalunok ako habang nakikinig lang sa kanya.
"Your fiancé, malapit mo na siyang makilala. 'Di ba, ito naman ang dahilan kung bakit nandiyan si Jazz? Kung bakit mo siya nakilala at kung ano ang purpose niya sa buhay mo?"
"Jazz is not just a hired boyfriend, Jazz is not just a guy who came into my life para sa wala, he mean a lot to me mom. And I just can't leave him like that, I'm afraid to see him hurt so bad." Mas lalo pa akong humagulgol sa iyak dahil iniisip ko pa lang na masasaktan ko siya, hindi na kakayanin ng puso ko.
"Mas lalo lang siyang masasaktan kung hindi mo ito gagawin. Isipin mo ang mangyayari kung sakaling darating na ang araw na makikilala mo na ang fiancé mo. How will he handle the fact that your getting married and your still staying by his side? Isipin mo, baka ikaw ay mahirapan din." Napayuko ako at sabay naman itong napatayo.
She tapped my shoulder. "Bibigyan kita ng oras makapag-isip. Kung hindi mo man ito gagawin para sa amin ng dad mo, at least, gawin mo na lang ito para kay Jazz. He's a fragile kid, ito ang mas makakabuti para sa kanya."
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...