• Gusto kitang.. •
Jazz's POV
"Halatang ready'ng-ready na 'tong best player natin ah?" Sabi ni Zyphro sabay tabi ng upo at siko sa akin. Napangisi naman ako.
"Syempre, praktisado yata 'to." Sabi ko at nag-shoot ng bola sa ere.
"Ang sabihin mo, inspired ka lang! Ganda-ganda ng girlpren mo eh. Brad, matagal ko nang pangarap 'yong si Paris, pwedeng bigay mo na sa 'kin? Halatang 'di ka naman seryoso eh." Napakunot naman ako noo saka siya tiningnan.
"Ano ka sinuswerte?! Ilang sapak at tama sa itlog ang tinamo ko ro'n bago ko makuha loob niya tapos kukunin mo lang?! No way! Kami lang ang bagay kasi maganda siya at pogi naman ako." Sabi ko at ginaya pa ang kaartehan ni girlpren. Hehehehe.
"Sus, yabang nito. Nagka-girlpren lang na maganda eh. Kung ayaw mo ibigay ang girlpren mo sa 'kin, akin na lang 'tong sapatos mo! Hanep! Jordan Air 17 nga! Akala ko nagbibiro lang si Clyde pero totoo nga! Hindi ba fake 'to?!" Sabi niya sabay kuha n'on.
"Bigay 'yan ng kapatid ko galing abroad. Akin na nga!" Sabi ko sabay agaw sana n'on sa kanya kaya lang agad niya namang inilayo.
"Arbor muna! HUAHUAHUA!" Sigaw niya sabay takbo.
"ZYPHRO! TANG*NA, MAGSISIMULA NA ANG LARO!" Sigaw ko pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo hanggang sa makalabas na siya ng gym. Hinabol ko naman siya nang nakapaa.
Iyong gago tumakbo pa roon sa daan kung saan puro crack stones. Hinay-hinay naman akong naglakad hanggang sa makaapak ako sa matulis na bato.
"ARAY! Bwisit!" Sigaw ko habang iniinda ang sakit. Ngina, bumaon pa yata sa talampakan ko.
Umiika-ika akong bumalik sa loob at nakitang nando'n na nakaupo si Zyphro. Iniinis pa ako ng mokong na 'to. Lumapit na ako at wala sali-salitang inagaw sa kanya iyong sapatos ko at sinuot iyon matapos kong suotin ang medyas.
"Ito naman, galit agad? Sorry na babe, kiss muna?" Sabi nito sabay nguso sa 'kin. Hinampas ko naman siya ng tuwalya ko.
"Gago!" Sigaw ko at tumawa lang siya. Agad namang nalukot ang mukha ko nang makaramdam ako ng kaunting kirot sa talampakan ko. Tss, bahala na.
Paris' POV
"Ang mananalong team daw didiretso sa sportsfest! KYAAAAH! Sana naman manalo tayo!" Tumitiling sabi ni Chez.
"Basketball ngayon 'di ba? Nood tayo." Yaya ko sa kanila.
"Gusto sana namin kaso may gagawin pa kami eh." Si Caroline naman sabay kain ng hotdog niya.
"Siguro, pwede naman na mamaya niyo na gawin. 'Di ba, Chez?" Sinagot niya naman ako ng iling.
"Kailangan now na, hmmp. Gusto ko rin sanang manood eh. Kaso lang, inutusan pa kami ng principal to do something. We're going to be utusan na lang ba forever?" Nakangusong sabi niya. "Saka, why are you ba pinipilit us to watch basketball?" Dagdag niya pa.
Bakit nga ba? Siguro, dahil um-oo ako kay Jazz doon sa sinabi niyang panonoorin ko siya.
"I just wanted to support our team! That's why!" Sagot ko naman.
"Kunyari pa 'to, baka gusto mo lang panoorin ang boyfriend mo! HAHAHAHAHA!" Pang-aasar niya at sabay pa silang natawa.
"H-hindi ah! Psh, diyan na nga kayo!" Sigaw ko saka ko sila iniwan.
"O! Saan ka naman pupunta?! Manonood ka ng basketball mag-isa noh?!"
"MAG-BABANYO AKO! Mga bwisit." Tuluyan ko na silang iniwan at dumiretso nga ako sa CR kahit hindi naman ako naiihi. Nag-retouch na lang ako nang makarating ako ro'n.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...