Chapter 81

662 22 15
                                    

Muntik na •

• Muntik na •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paris' POV

Tumigil ang kotse sa harap ng bahay namin. Huminga ito ng malalim bago ako tinapunan ng tingin. Tahimik lang kaming dalawa at ilang sandali lang ay sabay ring napangiti. Kinuha niya na naman ang kamay ko saka pinagsiklop ang mga kamay namin. Nakapikit niya iyong hinalikan.

"Wala nang mas sasaya pa sa akin ngayon. Pakiramdam ko, ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo." Diretso ang tingin sa akin na sabi niya. Pinatong ko pa ang isang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya.

"Ako rin, masaya rin ako at hindi ko ito pinagsisisihan, na pinili kita bilang unang lalaking pinapasok ko sa puso ko. Napakaganda at napakasarap sa pakiramdam." Hindi ko na talaga maitatago pa sa sarili ko ang ngiti at kilig.

"Akin ka na rin sa wakas. Bukas na lang natin pag-usapan ang rules and regusations."

Natawa ako sa kanya. "Ano'ng regusations? Saka, bakit pa may gano'n?" Nagtatakang tanong ko.

"Aba, dapat lang. May rules tayo na dapat sundin sa relasyong 'to. Gaya ng hindi mo dapat pagsama sa mga lalaki, hindi dapat pagpansin sa kanila, hindi makipag-usap sa kanila, hindi singhutin ang mga­----"

"Teka nga---bakit parang lahat yata para sa akin lang. Ang daya kaya n'on." Busangot ko.

"Walang daya-daya. Ang rules ay rules! Ichendes?"

I rolled my eyes. "Okay, okay. Pwede na ba akong pumasok?"

Bigla namang nagbago ang expression ng mukha nito. Nakanguso na siya ngayon at bigla akong hinila at niyakap ng mahigpit. May pahaplos-haplos pa siya sa likod ko na akala mo eh, may pinagdadaanan akong malaking problema.

"'Wag na munaaa~ Miss na kita agad." Sabi nito. Natawa na lang ako sa kanya kasi hindi pa rin pala siya tapos sa arte niya. Hanggang ngayon pala ay nandiyan pa rin.

Niyakap ko rin siya. "Ako rin, miss na rin kita agad. Pero, magkikita pa rin naman tayo bukas." Sabi ko saka tuluyan nang kumalas sa kanya.

Nagtitigan lang kami sandali. Enjoy na enjoy talaga ako palagi kapag pinapanood ko siyang nakakunot ang noo at bahagya pang nakanguso. Hinawi at inayos-ayos ko iyong buhok niya.

"Matulog ka ng maaga ha? Lumalaki na eyebags mo o." Paalala ko sa kanya.

Tumango-tango ito. "Opo, pero atleast ikaw ang rason kung bakit tumatambay ang eyebags ko diyan."

"Hmm? Paano naging ako?"

"Paano ba kasi, 'di na ako makatulog gabi-gabi sa kakaisip sa'yo. Dagdag mo pa na ikaw pa palagi ang laman ng panaginip ko. Tapos paggising ko sa umaga, ikaw pa rin talaga ang tumatakbo sa utak ko. Hindi ko alam kasi parang hindi ka na talaga matanggal-tanggal sa isipan ko. Hays, feeling ko tuloy patay na patay ka talaga sa kapogian ko lalo na sa charms ko." Sabi niya sabay kindat.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon