Chapter 66

554 20 12
                                    

Dream of me •

Paris' POV

Halos ilang araw na ring nanliligaw sa akin si France--err ang awkward sabihin n'on pero totoo. Palagi niya akong sinasamahan, hanggang sa paggawa ng mga projects ko tinutulungan niya ako. Sa pagsagot sa mga mahihirap kong homeworks, tumutulong din siya. Parati niya akong nililibre at hinahatid niya rin ako pauwi. Andami na tuloy nag tatanong kung nag break na raw ba kami ni Jazz at pinalit ko na si France sa kanya, eh hindi naman naging kami ng ulol na iyon.

Medyo komportable naman ako sa kanya. Hindi kasi gaya noon na friends lang talaga ang status namin kaya komportable ako sa kanya noong mga time ngayon. Eh, sa ngayon naman na nililigawan niya ako, hindi pa rin ako sanay pero kailangan ko na nga sigurong masanay kasi araw-araw niya namang ginagawa.

"Hintayin mo na lang ako sa gate, mabilis lang ako. Parating na." Sabi niya sa kabilang linya.

"Tss, talaga lang ha? Sige, bibilangan kita." Biro ko sa kanya.

"Grabe siya, ito na nga't tumatakbo na ako. Naririnig mo? Humihingal na nga ako o." Sabi pa niya at umarte pang humihingal.

Napangiti na lang ako sabay iling. Nito ring mga nakaraang araw, mas nakilala ko pa talaga ng lubos si France. Makulit din siya minsan lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Hindi siya nahihiya ipakita at ikwento sa akin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Pareho sila ni Jazz na makulit, pero si Jazz nga lang.. SIRAULO! Siguro kung kami iyong nagtatawagan ngayon, sasagutin niya akong; Ikaw kaya sa sitwasyon ko ngayon! Mamamatay na nga ako kakatakbo! Baka nga hindi na ako makaabot diyan! Pakisabi na lang sa pamilya ko na mahal ko sila! Oha, ako na die-hard fan.

Bago pa makarating si France ay nagulat na lang ako nang biglaang may humablot ng bag ko kaya agad ko namang nilingon kung sino ang kumuha n'on.

"Hehe, sabay na tayo?" Todo ngiti na sabi ni Jazz.

*Dug dugu dug dugu dug*

Tuwing nandiyan na lang ba si Jazz ha? Puso?

At talagang nakasukbit na ang handbag ko doon sa loob ng braso niya sa kanyang balikat.

"Give me that, kaya ko na." Sabi ko saka subukang agawin iyon.

Umiling-iling naman siya na parang bata.

"No, no, no, no! Ako na, alam kong walang may maghahatid sa'yo kaya lezzgoooo!" Sigaw niya sabay hila sa braso ko pero agad naman kaming napatigil nang dumating si France at sapilitang hinablot ang bag ko kay Jazz.

"Ako na ang mag hahatid." Seryosong sabi ni France sa kanya.

"Eh, sa ako ang nauna eh." Reklamo niya pero sa mahinang boses, iyon bang parang wala na siyang may magagawa.

"Tara na?" Sumagot naman ako ng naiilang na tango at mas lalo pa akong nailang nang akbayan ako nito.

Bahagya kong nilingon si Jazz sa likod habang naglalakad kami palayo at kung hindi ako nagkakamali, nakita ko na namang matalim siyang nakatingin sa amin na kulang na lang ay sugurun niya kami at pagsasabunutan. Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na nagbalak pang lumingon ulit.

Ngayon lang akong naglakad pauwi na hindi ako na bo-bored. Maliban kasi sa nag ku-kwentuhan kami ni France eh, kumakain din kami ng ice cream. Take note: In cone. Kung saan ang pagkain ito ang nagpapaalala sa unang heartbreak ko, tss. Okay lang, atleast 'di ba, masaya ko naman siyang kinakain kasama si France.

"Only child ako pero marami akong cousins. Talagang, sobrang dami! Minsan maiisip mo na lang na minalas ka nga dahil wala kang kapatid eh, maswerte ka naman sa mga pinsan mo. Ikaw?" Tanong nito sa akin.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon