Chapter 3

1.5K 56 1
                                    

The Jerk vs. The Man hater

Jazz's POV

Maaga pa akong pumunta sa bahay ng girlfriend ko. Syempre, pers day namin ngayon kaya dapat mag d-date kami!

"Nandiyan po ba siya?" Tanong ko sa katulong na kausap ko rin noong araw sa labas ng gate.

"Tulog pa rin eh. Late na nga o, pakigising na lang siya muna hijo ha at kukunin ko lang mga gamit niya bago siya liguan." Utos nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya at ngiting-ngiti na umakyat sa taas. Walang katok-katok ay pumasok ako sa kwarto niya.

"Wow, naks naman pala ng kwarto nitong girlpren ko, artistahin ah." Namamanghang sabi ko kasi ngayon ko lang napansin ang kabuoan ng kwarto niya.

May mga lights na nakapalibot sa salamin niya tapos may eiffle tower sa pader niya tapos may parang christmas lights.

"Mahal na siguro bill ng kuryente ng mga 'to." Kumakamot sa batok na sabi ko.

"Asan na ba 'yon? Akala ko natutulog pa rito?" Nagtatakang tanong ko.

Lumapit ako sa kama niya at kinuha iyong natirang juice na nasa bote at ininom iyon.

"Asan na ba 'yon?" Tanong ko pa habang iniinom pa rin iyon at iyong isang kamay ko naman ay nakahawak sa bewang ko.

Nagulantang na lang ako at napasigaw sabay talon doon sa kama nang biglang may lumabas sa ilalim ng kama nang gumagapang pa.

"Nauuhaw akooo~"

"WAAAAAHHHH!!!! SADAKOOOO!!!" Sigaw ko at ginawang bendita iyong juice at tinapon-tapon iyon sa kanya.

"DEMONYO! LUMAYAS KA SA KATAWAN NG BABAENG 'YAN!!!" Sigaw ko.

Pero dumapa lang ito sa sahig at muling humilik. Bumaba naman ako at tinignan siya.

"Ay, girlpren ko pala, hehehehe." Sinipa ko ng mahina iyong ulo niya.

"Huy, bangon na." Hindi pa rin ito nagigising.

Napilitan naman akong itayo siya at ibagsak sa kama. Napasabay pa akong napabagsak sa kanya.

"Oops, maaga pa girlpren, hehehe." Sabi ko saka tumayo.

Pumasok naman iyong yaya niya. "Hintayin mo lang siya hijo at paliliguan ko muna siya."

"Wow, maka-social si girlpren! Hahaha naks! Sige ho! I'm willing to wait." Sabi ko at nginitian siya ng malapad.

Tinulungan ko naman siya na buhatin iyong girlpren ko sa loob ng banyo at pinasok sa loob ng jacuzzi.

Lumabas naman na ulit ako at nilibot iyong kwarto niya.

"Huwaaaaw! Lodi o!" Sigaw ko nang mapansin ang malaking painting na larawan ng girlpren ko.

Pumunta naman agad ako sa harapan ng salamin nito. Pinagkukulikot ko ang mga gamit doon. Perfume, lotion saka na rin lipstick.

Kumuha ako ng lotion. "Wow, impernes ha, maganda siya sa skin." Sabi ko habang tumatango-tango na hinahaplos iyon sa balat ko.

Kumuha naman ako ng konting lipstick at pinahid iyon sa bibig ko.

"Kunwari raw natural." Sabi ko sabay flying kiss doon sa harap ng salamin.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin ang yaya at ang girlpren kong nakabihis na. Ayt, sayang naman.

Pero nakakapagtaka lang dahil knock out pa rin. "Hijo, ayusan mo nga 'yan at wala na 'yatang balak na imulat ang mga mata! Makeup-an mo na rin hijo at 'di naman 'yan umaalis ng walang makeup. Tawagin ko lang 'yong driver"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon