Chapter 71

562 28 6
                                    

Posas ng Pag-ibig •

Paris' POV

Napayuko ako at hindi makatingin sa kanya ng maayos. Bahagya rin akong lumayo sa kanya. Hindi rin siya makatingin sa akin at nagkakamot pa sa kanyang batok.

"P-papasok na ako. I-is that for me?" Turo ko sa malaking teddybear.

"A-ahh, o-oo. Para sa'yo." Nauutal din na sagot niya. Lumapit naman ako saka binuhat iyon.

"G-good night." Iyon lang ang nasabi ko at hindi pa siya nakakapagsalita ay tumakbo na ako agad.

GOSH! Ang init ng mukha ko! Para akong sasabog sa sobrang pagkabog ng puso ko! Jazz! Ano ang ginagawa mo sa akin?!

Tumakbo ako pabalik sa kwarto saka sinara iyon. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang mukha ko.

"Shit! I'm so red like tomatoes!" Tili ko.

Napatingin ako sa hawak kong teddybear saka sunflower. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako na parang wala sa sarili.

Tumalon ako sa kama saka napatingin sa kisame.

Damn, now I figured out that I am still in love with Jazz Young.

I'm still so fucking inlove with that jerk.

Today is valentine's day at para lang itong normal na araw sa akin. Dati, ito ang pinaka-hate na araw ko. Puro harutan ang nakikita ko sa paligid which I found so gross that time. Pero ngayon, umaasa akong may magandang mangyayari sa akin. Pero bago iyon, may masama muna. I need to talk to France. I need to tell him what I really feel about him, at kung sino talaga ang gusto ko.

"France,"

"Ooops, sandali. Bago ka magsalita, tanggapin mo muna 'to." Sabi niya sabay bigay sa akin ng heart shaped na chocolate saka balloons.

"S-salamat. Pero sana hindi ka na nag--"

"Ah! Kulang pa nga 'yan. 'Wag kang mag-alala, pagkatapos ng valentines special mamaya sa gym, lalabas tayo." He said while smiling sweetly.

I'm so guilty to the point na gusto kong maiyak. How can someone reject a guy like him? He's kind, sweet and romantic. Naiinis ako sa sarili ko, akala ko kasi makakalimutan ko si Jazz at matuturuan ko ang puso ko na magkagusto sa iba kung papayagan ko siyang manligaw sa akin, pero hindi. Na g-guilty talaga ako kasi pinaasa ko lang siya.

"France, you don't have to do these." Sabi ko saka tiningnan siya sa kanyang mga mata.

"Hmm? Bakit hindi? Eh, ito lang naman ang way ko para ma-express sa'yo ang nararamdaman ko--"

"You don't have to do these anymore." May namuo nang luha sa mata ko nang makita kung paano nagbago ang expression ng mukha niya.

"B-bakit? M-may problema ba? Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko? Ano, sabihin mo para naman maiwasan ko." Mahinahon na sabi niya pero sinagot ko lang siya ng agad na iling.

"No, no. France, you need to stop. I'm so sorry kung pinayagan kitang manligaw sa akin, pero I told you naman 'di ba, na hindi ako mangangako na sasagutin kita. I just can't--take this anymore. Masyado kang mabait para sa akin. You deserve someone else." Tuluyan na akong naiyak at hindi ko nga alam kung bakit ako ang nasasaktan sa ginagawa ko. I hate myself for hurting his feelings.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon