Chapter 19

609 24 2
                                    

Worried

Paris' POV

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay nagpahinga agad ako. Kahit hapon palang ay nakatulog na ako.

Umaga na nang magising at back to school na naman. Late na nga akong bumangon eh. Pero nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin si Jazz. Dapat ngayong oras na 'to ay nandito na siya.

"Aish, bakit ko ba siya iniisip?" Naiinis na sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko.

Hindi ko na pinansin pa ang nawawalang presensya niya sa mga oras na ito at sumakay na sa kotse ko na ipagd-drive ni Manelito.

"How's your daughter? Did she tell you what happened yesterday?" I asked him.

"Ay ma'am, opo. May nagtulak po kase sa kanya sa gilid ng pool aniya. Mabuti na lang po at nailigtas siya agad nang kung sino man 'yon"

I want to tell him na si Jazz ang nagligtas kay Melody but, hinayaan ko na lang. Hindi naman na 'yon importante.

And yes, si Melody ay anak ni Manelito. I am paying her tuition para makapag-aral siya sa school. Ako mismo ibig sabihin pera ko at hindi ko kinukuha sa parents ko.

Nakarating na nga ako sa school and this day is kinda unusual compare doon sa mga nakaraang araw na kasama ko si Jazz.

I feel like--- I'm the Paris before nang hindi ko pa siya nakikilala. Walang asungot, walang maingay so, walang rason para magalit o mainis ako.

But, I admit that I'm slightly the different Paris when I'm with him. Ang ibig kong sabihin, parang---nakakapanibago. Nakakapanibago na walang maingay saka asungot. Saka, ito naman 'yung gusto ko diba? 'Yung mawala siya sa paningin ko?

Matapos ang isang period ay dumiretso ako sa locker ko. Nabibigatan kase ako sa mga dalahin ko dahil wala si Jazz para bitbitin 'yon.

Paalis na sana ako nang makasalubong ko si Vira. Isa sa mga kinaiinisan ko sa school sa pagiging pakialamera at inggitera. Akala mo kung sinong maganda retokada naman 'yung mukha at dede. Pati yata pwet niyan pinaretoke na niya.

"Look who's here? Paris Kecherz!" Sabi niya sabay lapit sa akin at maarteng nakipagbeso sa akin. Hindi ako gumalaw at tiningnan lang siya habang nakakunot ng noo.

"You look so gorgeous dear. Oh! Parang nakita ko na 'yang sunglasess mo somewhere. Somewhere in divisoria or in bangketa? HAHAHAHAHA!" Maarteng tawa nito kasama pa ang dalawa niyang alipores sa likod.

Hindi kami nagkakalayo ng ugali ni Vira. We're very materialistic and yes, I admit na maluho ako at mahilig sa mga branded kagaya niya. Pero subukan niyong ikumpara 'yung mukha ko sa kanya---B*tch! I was made by my parents, not by plastic.

"Nakuha mo na palang magsuot ng mga fake ngayon? Fake sunglasses, fake clothes and fake shoes. How funny, Paris"

Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinaasan siya ng kilay.

"Yes, I wear cheap. I wear fake. Atleast, ang dede at mukha ko hindi fake kagaya mo! Plastik! Retokada!"

"What?!"

"Pati yata 'yang utak mo, pinaretoke mo na rin! Gaga!"

Oh my gosh! I can't believe I am saying this straight to her right now! Naaalala ko si Jazz sa inakto ko and damn! This is so funny!

"W-what?! H-how did you---"

"Akala mo kung sino kang maganda. Eh, ano ngayon kung cheap 'tong suot ko? Ano ngayon kung fake 'to? Sa nagdadala 'yon. Ikaw, no matter what brand you are wearing, hindi na mababagong fake ka! Tinaniman lang ng silicone 'yang dede mo!"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon