• Sorry •
Paris' POV
"Library search na naman?" Pagrereklamo ko nang utusan kami ni Mr.Andallo na mag research na naman sa library.
"Oo nga eh, palagi na lang. Ang tamad-tamad talaga ng teacher nating 'yon!" Si Chez habang nililigpit ang gamit niya dahil nauna na 'yung iba sa library.
"Alam n'yo naman diba? Hindi naman sa chismosa ako pero, balita raw may kalaguyo siyang estudyante. Eh, ang tanda-tanda na no'n"
"Chismosa ka nga girl. Kabisadong-kabisado mo pa nga 'yung chismis eh" Sabat naman ni Chez kay Caroline.
Wala na kaming nagawa pa at dumiretso na ro'n sa library para nga sa research work.
"Kami na maghahanap ni Chez ng book. Bantayan mo na lang 'yung upuan namin diyan" Sabi ni Caroline at sinagot ko naman agad siya ng tango bago ito umalis.
Napahikab naman ako sabay kuha sa cellphone ko. Napangisi naman ako nang makakita ng 11 missed calls at 38 messages. Lahat galing kay Jazz.
Binasa ko naman agad 'yung mga messages. 'Yung iba ngang mga texts niya kahapon pa, ngayon ko lang nabuksan.
Girlfriend, sorry na.
Girlfriend, please sagutin mo naman 'yung tawag koooo!
Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya kanina.
Girlfriend! Please! Sorry na kase! Pramis! Di na 'ko uulit!
"Mukha mo" Naiinis na sabi ko sabay patay nung cellphone ko. Hindi ko na binasa pa lahat. Paulit-ulit lang kase 'yung mga sinasabi niya.
"Did the two of you fight?" Napalingon naman ako sa katabi ko nang magsalita ito. Si France lang pala.
"Ikaw lang pala. Well, ewan ko ro'n. Ang hirap kase intindihin ng pag-uugali no'n. He's really bipolar"
"Gano'n talaga siguro siya. Paano mo ba natatagalan ang lalakeng 'yon? He's rude and---he's loud"
Napakunot naman ako ng noo saka siya nilingon.
"You don't know Jazz"
Pagkasabi ko no'n, lumabas na ako. Nagulat siya sa sinabi ko, ako rin naman. Nainis lang kase ako dahil sinabihan niya ng gano'n si Jazz samantalang hindi niya naman kilala 'yung tao. Unlike me, almost 2 months na siyang nagtatrabaho sa 'kin.
Lumabas ako ng library. Bahala na, hindi na 'ko gagawa no'n tutal tinatamad din naman ako.
Dumiretso ako sa rooftop ng building. Ewan ko, feel ko lang pumunta ro'n. Bawal kase ang mga estudyante ro'n. Hindi naman nila malalaman kase hindi rin naman ako magpapahuli.
Nakarating din ako ako ro'n pero gano'n na lang ang gulat ko nang may tatlong lalake rin ang nando'n habang prenteng-prente lang na nakaupo sa malapad na sofa na may tv pa sa harap.
"What the hell?" Nagugulat na sabi ko.
"Uy, tingnan mo nga naman kung sino ang nandito? Girlpren ni pareng Jazz! Hahahaha!" Sabi ng isang lalake sabay lapit sa 'kin.
Lumayo rin naman ako sa kanya.
"Stay away from me!"
"Relax lang, okay? Hindi kami nangangagat. Saka isa pa, kaibigan kami ng kalaguyo mo. Ako si Ed" Sabi nito sabay abot ng kamay niya sa akin. Pero imbes na tanggapin ko 'yon ay tiningnan ko lang siya ng masama pati na rin 'yung dalawa niya pang kasama sa likod.
"Students are not allowed here on the rooftop! Bakit kayo tumatambay rito?! Alam n'yo bang pwede ko kayong isumbong sa principal? At isa pa, nakuha n'yo pa talagang magtayo ng----sala rito?!"
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...