Chapter 73

544 19 4
                                    

Pick up lines

Paris' POV

It's been three days since huli kaming nag kasama ni Jazz. Alam niyo na, noong valentines. Nakikita ko naman siya dito sa school, pero hindi ko siya pinapansin. Wala lang, gusto ko lang. Halos busy kasi ang lahat dahil malapit na ang final exams kailangan study, study and study. Kung gaano ako ka-busy ngayon, malamang siguro gano'n din siya.

Dumiretso ako sa library at ang goal ko for this day is to study math alone. Gusto kong tutukan ang math lang buong araw. Kumbaga parang mag-tutuos kaming dalawa.

Kumuha ako ng dalawang makakapal na math books at saka binitbit iyon. Naghanap ako ng mauupan kung saan ako magiging komportable at alam kong walang may iistorbo sa akin.

Nang dumaan ako sa isang table ay napatigil din nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Ay--putangina naman o!"

"SSHHH! QUIET!" Suway sa kanya ng librarian. Napakamot lang ito sa kanyang batok at sinampal ang sariling mukha.

Baliw ba 'to o ano?

Hinila ko ang upuan sa tabi niya at inagaw ang sinusulatan niyang notebook. Binasa ko pa muna kung ano ang nakasulat doon saka ako nagsalita.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya pero para lang itong tangang natulala sa akin.

"Jazz, ano 'to?"

Napailing ito bago sumagot. "Special quiz, hindi kasi ako nakakuha n'on. Saka, r-review test na rin, hehe." Sabi niya sabay kagat doon sa ballpen niya.

"Number one. This process is converting an abstract idea, notion, or concept into a measureable item. Answer: Operationalization. Number two--"

"Sandali!" Inagaw niya sa akin ang notebook niya. "Ulitin mo, ano nga ulit?"

"Operationalization."

"Ah! Okay!" Sabi niya sabay sulat n'on pero napatigil din.

"A-ano 'yong spelling?"

Napakunot ako ng noo at napa-ikot ng mga mata. Hindi ko na siya pinansin at tinuon na lang ang atensyon ko doon sa mga librong kinuha ko. Yeah, kahit alam kong hindi ako makakapag-concentrate dito sa spot na inupuan ko, ayaw ko rin namang umalis.

"S-sige, pero ito? Ano 'to?" Sabi niya sabay lapag ng notebook sa harap ko. Nainis naman ako dahil sinapawan niya pa talaga ang librong binabasa ko.

Naiinip ko iyong binasa. "Jazz naman, 8 parts of speech lang hindi mo pa alam? Mag c-college ka na next school year!" Sermon ko sa kanya.

"P-pasensya na. Nakakalimutan ko palagi eh. Pero tuwing pinapaala naman sa akin naaalala ko naman agad, hehe." Ngisi niya.

"Jazz, these are important. You should memorize these."

"Ano ba 'yang mga 'yan? Number mo na kailangan kong kabisaduhin?" Seryosong sabi niya.

"At kinompara mo pa talaga ang number ko sa parts of speech? Of course they are important!" Sabi ko pa. Gosh! Jazz, kailan ka ba tatanda?!

"Tss, 'di mo gets. Banat 'yon, akala ko pa naman kikiligin ka. Akin na nga." Sabi niya sabay hila n'on.

Napailing na lang ako saka nagsimula na ring mag basa.

"Eh, ito?"

"Hindi ko gets 'to, pwede paki-explain?"

"Ano'ng tagalog nito? Naguguluhan ako punyeta."

"Bakit letter 'C'? Hindi ba pwedeng 'S' na lang?"

"Paano basahin 'yong, R-E-C-E-I-P-T? Resip ba 'yon, resipit, o resipiti?"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon