Chapter 87

591 21 2
                                    

• I.. I liked it 
[#RatedJ]


Paris' POV

"Akin ka na lang~ Akin ka na lang~ Iingatan ko ang puso mo~" Kanta ko habang papalabas ng banyo. Balot ang katawan ko ng bath robe at balot din ang ulo ko ng towel.

Humarap ako sa salamin at pangiti-ngiting nilagyan ng lotion ang mga braso ko. Naramdaman ko namang niyakap ako ni Jazz sa likod.

"Ambango-bango ng asawa ko ah! Amoy seypgard!"

Natawa naman ako sa kanya. "Heh, sinasabi mo lang 'yan akala mo papayagan kita. Maligo ka na, mag co-computer ka na naman buong araw."

"Maya na kasi! Matagal na rin akong hindi nakakapaglaro! Sa bahay kasi, pinapagalitan ako ni mama kasi magastos daw sa kuryente." Sabi nito saka ngumuso habang nakapatong ang kanyang baba sa balikat ko at nakapulupot naman ang mga braso niya sa bewang ko.

Muntik na akong matawa sa kanya. "Ang yaman-yaman niyo, tapos kailangan niyo pa talagang mag tipid sa kuryente? Wow, bilib na talaga ako sa 'yo, hindi lang sa 'yo pati na rin sa pamilya mo." Umiiling na sabi ko.

"Maliligo ako, basta papayagan mo 'ko?!"

Nag-isip ako kunwari. "Okay, gusto ko 'yong amoy baby ah?" Pang-aasar ko sa kanya.

Agad itong napabitaw sa akin. "Tss, baby ka diyan." Sabi nito kaya tinawanan ko lang siya saka siya mabilis na hinalikan sa kanyang pisngi kaya unti-unti rin itong napangiti at niyakap ako ulit ng mahigpit.

"Mamimiss kita."

"Parang magbabanyo ka lang naman?"

"Eh, malay mo iiwan mo ako habang nandoon ako sa loob. 'Di kaya, mamamatay ako sa loob at—"

Tinampal ko ng mahina ang bibig niya. "Andami mong sinasabi. Maligo ka na nga!" Ngumuso lang ito sa akin bago ako binitawan.

Tuluyan na itong pumasok sa banyo at naligo. Nagbihis na rin ako ng damit na sleeveless na shirt saka shorts. Blinower ko na rin ang buhok ko saka ako humiga sa kama habang hawak ang isang handy mirror at inobserbahan ang mukha ko kung may mga patubo bang pimples o lumalaki na ba eyebags ko.

Ang ganda ko pa rin talaga kahit kailan, hayss.

"Huy, hinay-hinay lang baka mabasag." Sabi ni Jazz matapos kong kindatan at ngusuan ang hawak kong salamin. Tiningnan ko lang siya ng masama pero iyong gago nginisihan lang ako.

Basa ang kanyang buhok at tinutuyo niya ito gamit ang towel na hawak. Half naked ito at naka-shorts naman siya sa kanyang pang-ibaba.

He's freaking HOT and HANDSOME—okay? And to be honest, I'm still not used to compliment my boyfriend kahit pa na sa isipan ko lang. Feeling ko tuloy naririnig niya ang iniisip ko kaya iniiwasan ko na lang na isipin!

Isinalampak niya ang katawan sa tabi ko. Nakadapa siya sa kama habang kayakap ang isang unan. "Bakit panay ang tingin mo sa salamin?"

"Paki mo." Simpleng sagot ko kaya ngumisi na naman siya.

"Ang sungit mo pa rin talaga ano. Bakit kaya kita nagustuhan?"

Tiningnan ko siya saka siya binigyan ng pinakamaganda kong ngiti. "Kasi maganda ako?" Nag sparkly eyes ako sa kanya kaya natawa na ito ngayon, iyon bang hindi makapaniwala!

"Maganda ka diyan?"

"Talaga naman ah? Bakit, sabihin mo nga sa akin, maliban sa maganda ako ano pa ang nagustuhan mo? Sige nga."

Umiling ito saka pinikit ang mga mata. "'Wag na, baka lumaki ulo mo."

Napanganga ako sa gulat kaya kinuha ko ang unan na hinihigaan niya at pinaghahampas iyon sa kanya.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon