Chapter 65

553 23 7
                                    

WALANG POREBER!•

Paris' POV

"Tulala? Okay ka lang, 'teh?" Sabi ni Chez saka umupo sa tabi ko. Nakasunod din sa kanya si Caroline na umupo rin naman sa kaliwang upuan na katabi ko.

"Wala, may iniisip lang." Sagot ko naman.

"Teka--alam ko 'yan! Pinag-iisipan mo 'yong parating mong birthday next month noh?!" Excited na sabi ni Chez. Sasagot pa sana ako nang mag salita si Caroline.

"Oo nga, birthday mo na pala next month. Mga ilang weeks na lang din 'yon." Nakangiti namang sabi niya.

"Hindi gano'n 'yong iniisip ko, ni hindi nga sumagi sa isip ko na birthday ko na pala next month." Sabi ko pa.

"Ngeks? Eh, ano ang iniisip mo?"

Hindi ko naman sila sinagot at napabuntong-hininga na lang.

Iniisip ko si Jazz, nag balikan na ba sila ni Gabrie? 'Di ba nga isang gabi n'on nang malasing siya eh, dahil nakita niya ang picture ni Gabrie na may kahalikang iba? Bakit nang makita niya itong bumalik noong araw na nasa plaza kami tuwang-tuwa pa siya? Na parang hindi iyon nangyari? Saka, bumalik ba siya rito para kay Jazz? O dahil may kailangan siya kay Jazz? Teka.. niloloko niya lang ba si Jazz?

Jazz's POV

"Okay, break muna!" Tawag ni coach kaya agad naman akong bumalik doon sa bleachers at umupo. Uminom ako ng tubig.

Nakita ko pang sumunod sa akin si Marasigan at umupo rin ito sa tabi ko habang pinupunasan ang kanyang pawis.

Hindi ko lang siya pinansin at kumain na lang ng chocolate na nasa bag ko. Hinanap ko rin ang cellphone ko baka kasi nag text o tumawag na ro'n si Gabrie.

"I wanna court Paris." Awtomatikong napatigil ako sa ginagawa ko pero hindi ko pa rin siya nililingon.

"Liligawan ko sana siya." Ngayon ay napalingon na ako sa kanya.

"Eh, ano ngayon? Bakit ka namamaalam sa akin? Doon ka mamaalam sa kanya 'di kaya sa tatay niya." Iyon na lang ang sinagot ko pero hindi ko alam kung bakit ako naiinis.

Tss, kung hindi naman dahil sa akin hindi ka rin naman makakalapit sa kanya, gago ka.

"Incase, baka kasi sa kalagitnaan nang panliligaw ko sa kanya you will act something weird again. Alam ko nang nag-apply ka lang na maging boyfriend niya pero gusto ko pa ring magpaalam. 'Di ba, mag kaibigan din naman kayo?" Mahabang sabi niya. Naiinis ko namang niligpit ang bag ko saka tumayo.

"Alam mo, gawin mo kung ano'ng gusto mo. Wala akong pakialam sa'yo, lalong-lalo na sa inyong dalawa." May diing sabi ko saka ako umalis. Narinig ko pang tinawag ako ni coach pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng gym.

Bahala sila, nawala na ako bigla sa mood.

Paris' POV

This week is a hell week for me at wala na talaga akong time pa para mag pahinga at mag libang. Malapit na ang exams kaya puro quizzes and projects na naman. Mag tatapos na ang January kaya gano'n.

"Shit, I wanna relieve my stress!" Sigaw ko habang nag lalakad kami sa corridor pauwi. Napapahilot tuloy ako sa sentido ko sa sobrang sakit ng ulo ko.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon