Chapter 49

644 24 3
                                    

You're fired

Paris' POV

"Sino ang mas maganda, ako? O si Melody?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman ito nakasagot agad.

"Pumili ka Jazz, ako o siya?" Tanong ko ulit sa kanya. Ewan ko kung wala lang ba talaga ako sa sarili ko o nananaginip lang ako?

"Girlpren naman tinatanong pa ba 'yan? Syempre, siya." Nang dahil sa inis ay tinulak ko siya ng bahagya at humiga ulit ako sa kama at tinalikuran siya.

"Ito naman, syempre ikaw. Ikaw ang pipiliin ko. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko." Pinipigilan ko namang hindi mapangiti.

"Mukha mo."

"Gwapo, hehe. Hindi ka na galit?" Hinarap ko naman siya. "Galit ba ako?"

Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Oo kaya, kanina. Nag joke ako sa'yo hindi mo pinansin."

"Eh, paano ba kasi paulit-ulit 'yang joke mo." Sabi ko.

"Aba, bagong-bago kaya 'yon!" Depensa niya. "O, talaga ba? Kaya pala 'yon din ang joke mo noong pumunta tayo sa garden. Hi bud! Tawang-tawa ka pa nga n'on kasama 'yong anak mong si Dora." Kwento ko.

"Atleast, bago naman 'yong insomia."

"I didn't find it funny at all. Corny n'on."

"Tss, KJ mo. Kumain ka na nga--"

Nagtaka naman ako nang mapatigil siya saka napakamot sa ulo. Tumingin ako sa tinitingnan niya sa sahig. Mga basag na plato saka mga nakakalat na pagkain.

"N-nabitawan ko kanina kaya kumalat. Nagulat ako kasi akala ko kinuha ka na ni kamatayan." Sabi niya.

"Bakit mo naman naisip 'yon? Mukha na ba akong patay habang natutulog?"

"Hindi, grabe ka. Para ka ngang si Snow White habang natutulog, eh." Sabi niya.

"Really? So, that means para akong prinsesa?"

"Oo, pero hindi rin. 'Di ba namatay si Snow White noong kumain siya ng mansanas, noong namatay siya kamukha mo siya, huehue."

"Tss, maganda naman siya kahit gano'n ah. Saka, nagising naman siya noong kiniss siya ng prince."

"Luh, nakaka-proud ka naman girlpren. Nanonood ka pala ng mga love story?" Pang-aasar niya.

"I might hate love stories but I love Disney."

"Sinong Disney?! Mas mahal mo na siya ngayon?! Dahil ano, mas nakakalamang siya kesa sa akin?! Mas pogi siya?! Mas marami ang abs niya kesa sa akin?!" Arte niya pa.

"Arte, umalis ka na. Inaantok pa ako."

"Tss, oo na. Liligpitin ko muna 'to. Good night, girlpren." Pumikit na ako nang sabihin niya iyon. Naramdaman ko namang niligpit na nga niya ang kalat.

Pero bago pa ako tuluyang makatulog, naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa noo. Huli na bago ako makaangal dahil nakita kong nakalabas na siya.

I heaved a sigh saka tumalikod ng higa at niyakap ang isa ko pang unan. Napabangon ako nang may maalala. Kinuha ko 'yon sa ilalim ng kama saka niyakap. Iyon 'yong kapares ng teddy bear na napanalunan ni Jazz sa perya.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon