Chapter 20

645 23 0
                                    

Mainit

Paris' POV

Instead na magalit ako sa kanya, nakita ko na lang 'yung sarili kong binibilhan siya ng prutas kasama si Manelito.

"What the hell am I doing? Why the hell am I doing this? Am I still Paris? No, this can't be. Si Jazz?! Lalaki at bibilhan ko ng fruits?! My ghad! This is so unbelievable!"

I tried to control myself na 'wag ilagay ang mga prutas na pilit inilalagay ng mga kamay ko sa cart.

"Ma'am, babayaran ko na po ba 'to sa counter---"

"No!"

Nagulat naman ito nang sumigaw ako. Napahawak naman ako sa sentido ko at pilit na pinakalma ang sarili.

"Just---hayaan mo na 'ko! Bantayan mo na lang ako ro'n" Naiinis na sabi ko sabay taboy sa kanya.

"O-okay po ma'am" Umalis din naman ito kaagad.

Matapos nitong umalis ay pinaglalagay ko ang lahat ng prutas na makikita ko ro'n.

Naiinis na itinulak 'yon papuntang counter at binayaran lahat 'yon gamit ang pera ni Manelito. Pababayaran ko na lang 'to kay Jazz mamaya, tss. Para naman 'to sa kanya.

Dumiretso na ako kaagad sa sasakyan matapos ko 'yong bayaran. Pinaalam ko naman muna kay Manelito kung saan nga ba nakatira si Jazz. Ang sabi medyo malapit lang daw mula rito kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kagandahan at agad ko na siyang pinabyahe papunta ro'n.

"Nandito na tayo ma'am" Sabi nito matapos niya ihinto ang kotse sa tapat ng malaking bahay.

Bumaba naman agad ako at napaangat ng tingin doon sa gate sabay tanggal ng shades ko para mas maging klaro sa aking paningin ang nakikita ko ngayon.

"He's working for me to earn a little amount of money and he didn't even tell me that he has a mansion. Gosh, this mansion is as big as ours! Are you sure na dito siya nakita Manelito?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Opo ma'am. Sure na sure po"

Ewan ko kung bakit ako naiinis. Maybe dahil hindi man lang siya nagkukwento tungkol sa estado ng totoong buhay niya. Saka, hindi ako papayag na mas mayaman pa siya sa 'kin no!

Naiinis kong pinindot 'yung doorbell at bahagya naman akong napanganga nang makitang lumabas ang parang mayor doma nila.

"Sino sila?" Mataray na tanong nito.

I crossed my arms and gave her a wicked smile.

Mukhang susungitan mo pa 'ko ha? Sige, tingnan natin kung sino 'yung mas masungit sa ating dalawa.

"I'm searching for Jazz Young. Dito ba siya nakatira?"

"Ang tinatanong ko, kung sino ka? Hindi ko tinatanong kung ano ang pakay mo rito" She almost shouted.

"Excuse me? Hindi mo ba 'ko kilala? I'm Paris Dewhurst Kecherz daughter of Melany and Priston Kecherz, and the fifth heiress of K.Empires. Still don't know me?"

"Wala akong pake kung sino ang mga magulang mo at kung ano ang meron ka. Pero sige, ano ang kailangan mo at bakit mo hinahanap si sir?"

Sir? Si Jazz? Tss, ibig ba sabihin no'n pinagsisilbihan siya rito?

Gosh, Paris! Isn't it obvious na sa kanila nga 'tong mansion at mayaman sila?

"Pwede ba?! Kung papasukin mo na lang kaya ako! Alam mo bang nagmamadali ako?!"

"I'm sorry pero hindi kita papapasukin. Hindi kase kami nagpapasok ng kung sino dito sa mansion ng mga Young at----"

"Kung sasabihin ko bang girlfriend ako ng sir mo, papapasukin mo na 'ko?!"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon