Chapter 45

588 27 1
                                    

Sa kanya •

Paris' POV

"Gusto kitang halikan?"

Gusto kitang halikan...

Gusto kitang halikan..

Gusto kitang halikan.

Shit!

"Fuck off, Jazz!" Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo. Napatayo ako agad at umalis doon sa bench saka tumalikod sa kanya. Nag inhale-exhale ako habang pinapakalma ang dibdib ko.

Calm down, Paris. Joke time na naman 'to ni Jazz. Hindi ka dapat nagkakaganito sa tuwing nagkakaganyan din siya! Just calm down.. breathe in.. breathe out.

"Ito naman, ang harsh mo sa 'kin. Masama bang humingi ng kiss?"

So, seryoso nga siya?!

Hinarap ko naman siya agad. "Ikaw ha, a-ayaw ko na sa jokes mo! H-hindi na 'to nakakatuwa Jazz ha! Lumevel up na ang kalokohan mo at naiinis na 'ko!" Naiinis kong sabi sabay turo sa kanya.

Hindi naman nagbago ang expression ng mukha niya. Gano'n pa rin at parang seryoso nga. Gosh, kailan ko pa ba mababasa ng tama ang tinatakbo ng utak ni Jazz!?

"Eh, sa gusto nga kitang i-kiss! Kasalanan ko ba na n-napaka-kissable ng lips mo!" Nakangusong sabi niya na para bang nagsusumbong lang sa nanay sabay iwas ng tingin. Agad naman akong napatakip sa labi ko. Shit! That scene again! Noong gabi na nalasing siya then---arrgh! Na erase na iyon sa mind ko and now bumabalik na naman ang ala-alang iyon!

"Makaarte ka akala mo virgin pa 'yang lips mo. Swerte ka nga kasi gusto kitang halikan! Swerte mo rin kung ako ang pers kiss mo."

"Excuse me? Minalas lang ako sa'yo noh." Sabi ko sabay krus ng braso.

"Ows? So, nagkiss na nga tayo? Kelan? Habang natutulog ako? Sa panaginip mo? Sa imagination mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Ano ba 'tong pinag-uusapan natin ha?! Puro ka kiss! Kiskisin ko kaya 'yang nguso mo sa sementadong mesa nang hindi ka na magsalita diyan! Puro ka talak." Naiiritang sigaw ko.

"O! Tingnan mo 'yang bibig mo! Kung hindi nga english, sagad naman managalog! Ano, magaling ka na sa 'kin?! Mas magaling ka na?! Ano?! Suntukan o! Bungangera." Sumbat niya.

"Kung ako bungangera, ano ka naman? Manyak? Ewws." Manyak siya kasi hinalikan niya ako noon! Tss!

"Gustong-gusto mo naman yatang minamanyak kita eh." Sabi niya pa sabay ngisi.

"Bahala ka sa buhay mo, sana maputulan ka ng paa." Sabi ko sabay talikod.

"G-girlpren naman! 'Wag mo namang sabihing ganyan. Gusto ko pang makalakad." Pagmamakaawa niya kaya napatigil ako at hinarap siya. Para itong pusa na naiwan sa gilid ng kalsada.

Dahan-dahan akong lumapit at inalalayan siya. "Tapos ngayon gusto mo naman palang hindi maputulan ng paa? Tss."

"Oo, gagapangin pa kasi kita eh." Ngisi niya sabay kindat. Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad naman akong lumayo at pinaghahampas siya ng paulit-ulit hanggang sa mamilipit na naman ito sa sakit.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon