Chapter 69

543 23 8
                                    

Alin ang mas masakit? •

Paris' POV

"Theme?" Tanong ko kay Chez. Tinatanong kasi ako nito kung ano ang gusto kong theme para sa party ko. Tss, anla naman akong maisip.

"Oo nga, 'di ba mahilig ka sa sunflowers? Iyon na lang!" Suggest niya sabay sulat n'on sa papel kahit hindi pa ako um-oo.

Napabuntong-hininga ako. "Mag n-nineteen na pala ako noh? Ang bilis naman. Pero alam mo 'yon, mas pipiliin ko pang maging 18 forever." Parang wala sa sarili na sabi ko na sa kung saan pa nakatulala.

Being in the age of 18, is very memorable. Marami akong na-experience na hindi ko pa na-experience noon. Mga pagkain na hindi ko rin nakain. Nagka-boyfriend, oo. Fake nga lang. Nakilala ko rin si Jazz sa edad ko na 'to. Memorable lang masyado.

"Tama!" Nagulat naman ako nang sumigaw ito saka tinapik ako. "18 (+1) Forever ang theme ng party mo! YAAAAASS!" Tili na naman niya saka sinulat iyon. Nagtaka naman ako.

"Hindi kaya, weird 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Naku, walang weird-weird! Noong nakaraang birthday mo noong mag-eighteen ka, ni wala kang pa-eighteen roses! Ngayong mag n-nineteen ka, meron na! Oha, 18+1 roses! BONGGA!" Tuwang-tuwa pang sabi niya.

"Ibig sabihin ba n'on, I need to dance 19 boys?" Tanong ko pa.

"Syempre! Kaya, maghanda ka na ng listahan! Saka, suggest ko lang sa magiging last dance mo. Gusto ko si France ha? Yiiieeeee~" Kinikilig na sabi niya.

"Gano'n mo kagusto si France para sa akin?"

"Aba, syempre! Ambait kaya n'on tapos gentleman pa. 'Di kaya 'yong fiancè mong haaaawwwt! KYAAAAAAH! Dami mong lalaki! Ang sarap mong sabunutan!" Sigaw niya na may halong panggigigil.

Napahinga na naman ako ng malalim. Paano si Jazz?

Nag lalakad kami ngayon patungong science lab kasi doon ang klase namin ngayon. Si Caroline naman absent, she's not feeling well daw.

Matapos ang halos isang oras ay dismissal na. Nag paalam na sa akin si Chez kasi kailangan niya nang umuwi ng maaga kasi dumating daw iyong daddy niyang minsan lang din kung umuwi. Naiwan naman ako dito habang nag-aayos pa ng gamit. Nag silabasan na ang lahat pero heto pa rin ako at hinahanap ang nawawala kong phone kung saan ko na ba iyon nailagay.

"Paris, pwede bang ikaw na lang ang sumara nitong science lab? Iwan ko na lang 'yong susi rito bigay mo na lang sa guard kapag naisara mo na." Sabi ni Ms.Cadigal.

"Sige po, miss. Ako na po bahala. Hahanapin ko lang po phone ko." Nakangiting sabi ko saka na ito nag paalam na lumabas.

Nag patuloy pa rin ako sa paghahanap sa bwisit kong cellphone. I can manage to buy a new one pero--basta!

"Asan ka na ba?!" Naiirita nang sigaw ko.

"Uy, ano 'yan?" Napatingin naman ako sa pinto at nakatayo na pala doon si France.

"'Yong cellphone ko kasi, hindi ko mahanap-hanap." Sabi ko sa kanya.

"Gusto mo tulungan kita--"

"No! Diyan ka lang. The floor is wet. Kakalinis lang namin dito. Gumawa kasi kami ng experiment kaya nag linis din kami pagkatapos. Baka madulas ka." Pigil ko sa kanya pero natawa lang siya.

"Sige na, baka anong oras ka pa matapos diyan." Sabi niya saka hinay-hinay na lumapit sa akin.

"Saan mo ba huling ginamit ha?" Tanong nito sa akin nang makalapit siya.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon