Chapter 34

566 21 0
                                    

First wish

Paris' POV

Halos namilog ang mga mata ko nang makita ang test paper ko sa math. I cannot believe this! Seriously?! Shit! First time mangyari 'to sa buhay ko. I only got 8 mistakes in my math exam. Oh, gosh! I am so happy!

Jazz needs to see this. Hindi lang dahil sa naging effective ang pag tuturo niya sa akin kung hindi dahil feeling ko ako ang panalo sa deal namin.

I called his number with a smile on my face. "Hello, Jazz? Good morning!" I greeted him.

"Ohh~ Mukhang masaya at nasa mood tayo ngayon ah? Ano'ng meron? Perfect mo ang exam mo sa math?" Sabi nito sa kabilang linya pero may narinig akong ngisi sa dulo.

"Hmm, you will know later. How 'bout your exam in english?" Nakangisi ring tanong ko.

"Hayss, malalaman mo rin mamaya." Did I just heard it right? He sounds.. disappointed. Yes! I knew it! I won in this deal!

"Okaaaaay!~ See you later at the cafeteria!" Nakangiting sabi ko sabay baba ng tawag.

Papunta na akong cafeteria nang magkasalubong kami ni France.

"Hey," Bati nito sa akin.

"Hey, where have you been all these days?" I asked him.

"Wow, concerned ka sa 'kin? Hahaha, at mukhang nasa mood ka pa?" Sabi pa nito sabay hawak sa baba niya. I flipped my hair and smiled at him.

"I am just feeling beautiful today." Nakangiting sabi ko. "So, asan ka nitong mga nakaraang araw?"

"Nag-vacation ako, diba? Kasama ko ang mga pinsan ko na kararating lang din. Inagahan na namin 'yong bonding kasi uuwi rin naman sila agad. Kailangan ko ngang kumuha ng special test sa lahat ng mga subjects ko. Would you mind if, I'll ask you to teach me? If okay lang sa'yo. And, I honestly.. want to hang out with you." He said while scratching the back of his head.

"Edi bobo ka? Bakit mo pa kailangang magpatulong sa kanya?" Napalingon naman ako sa nag salita at si Jazz lang pala na kakarating lang. "Saka ano'ng sabi mo? Hang out?" Inakbayan ako nito na agad ko namang ikinagulat. "Walang hang out-hang out na mangyayari. Nandito ang boypren n'ya. Pwede ka humang-out mag-isa mo, okay?"

Napakunot ako ng noo at tinampal 'yong braso niya.

"Aray! Ano ba?!" Reklamo niya.

"Wag kang sumali sa usapan nang may usapan. Sige France, I'll text you later na lang kung saan tayo mag kikita." Sabi ko saka ngumiti.

"Yes! Thanks, Paris! See you later!" Nakangiting sabi nito saka umalis. Naiwan pang nakanganga si Jazz na animo'y hindi makapaniwala sa nangyari.

"Ano 'yon?!" Sigaw nito sabay turo sa kakaalis lang na si France.

"Ano'ng ano 'yon?" Pag-uulit ko sa tanong niya habang inaayos 'yong buhok ko.

"Pinayagan mo! Hello?! Nandito 'yong boypren mo!" Turo nito sa sarili.

"Excuse me? You're not my boyfriend."

"Heto na naman tayo girlpren eh, balik na naman tayo sa dati eh."

"Anong dati? May nakaraan ba tayo?" Tanong ko sa kanya saka siya pinaikutan ng mga mata. Napasabunot naman ito ng buhok.

"Aish--! Ang sarap mong pigain!" Pinanggigigilan akong sigaw nito.

"Saan tayo? Ay! Ngapala, musta exams?" Nakangising tanong nito sabay siko sa 'kin. Kita mo na, napaka-bipolar talaga. Ginantihan ko rin siya ng ngisi.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon