Chapter 60

518 20 0
                                    

Palabas lang? •

Paris' POV

"Paris, open the door." Kanina pa kumakatok si mom sa labas ng pinto pero hindi ko siya pinapansin. Ayaw ko kasing lumabas para kumain at ayaw ko rin na makita niyang umiiyak ako.

"Ayaw kong kumain. Magpapahinga na ako mom." Sagot ko naman sa kanya at pagkatapos n'on ay hindi ko na siya narinig pa sa labas.

Umiyak na naman ako. Gabi na at iyak pa rin ako ng iyak. Ganito pala kasakit. Na kahit kanina pa iyon nangyari ay hindi pa rin matanggal-tanggal sa utak ko dahilan para mas lalo pang kumirot ang puso ko.

They're both happy seeing each other. Nakangiti sila at nakayakap sa isa't isa. Parang, sa kanila lang umiikot iyong mundo at wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila, wala silang pakialam sa akin.

Lahat ng pag-asang inipon ko na baka may nararamdaman din si Jazz para sa akin ay biglang naglaho. Parang nag back to zero lahat. Umasa ako nitong mga nakaraang araw na baka may feelings na rin siya para sa akin dahil sa mga pinapakita niya. Ang sakit pala, ang sakit umasa lalong-lalo na sa kanya. Mahirap siyang basahin at iyon ang nakakainis. Kung sinabi niyang hindi niya ako pinaasa at nagkusa raw ako, pwes pafall siya. Naiinis ako ng sobra sa kanya. Umalis siyang masaya samantalang ako naman ay iniwan niyang nasasaktan.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Baka nga hindi ko kayanin na umalis na siya at tratuhin na akong iba, iyon pa kayang bumalik ang taong mahal niya? Masakit, sobra. Iniisip ko palang kung anong ginagawa nila ngayon, sobrang nasasaktan ako. I really hate this feeling. Akala ko, iba si Jazz sa ibang mga lalaki. Ngayon, kasama na rin siya sa kanila. I hate them all. I hate him for hurting me.

Hindi ko namalayan ang sarili na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod at sa sobrang pag-iyak. Tinatamad akong bumangon pero kailangan kasi may pasok pa kami. Napatingin ako sa aking sarili sa salamin at awang-awa ako sa sarili ko. Ang laki ng eyebags ko at ang lamya ko na. Para akong lantang gulay sa itsura ko ngayon. Pero dapat ang sakit na dinanas ko, sana hindi n'on maapektuhan ang pang-araw-araw at normal na buhay ko.

Normal naman ako at kinaya ko rin naman noong mabuhay nang wala si Jazz ha? Nang hindi ko pa siya kilala?

Napatingin ako sa pinto. Umaasang kakatok siya at sisigaw na nandito na siya pero wala. Wala talaga at hindi na iyon mangyayari.

Heto ka na naman Paris eh, sinasaktan mo lang ang sarili mo. 'Wag mo na siya masyadong isipin at siguro, iiwas na muna ako sa kanya ngayon. Baka mas lalo lang akong malungkot kapag makita ko siya.

Nag shower na ako at matapos n'on ay binuksan ko ang aking closet. Bahagya akong nagulat sa laman n'on pero agad din na nalungkot.

Ang mga damit, bags at heels ko ay bumalik na sa dating pwesto nito at wala na rin ang mga gamit na binili sa akin ni Jazz noon. Hindi ko alam kung bakit pero nalulungkot ako.

"Surprised?" Napalingon ako sa nag salita. Si mom lang pala.

"I thought you sell all of my stuff? Bakit nandito ito ngayon?" Matamlay kong tanong sa kanya.

"That was just a challenge to you, my child. At nakita ko rin naman na madali mong tinanggap iyon. Hindi ko 'yan binenta, tinago ko lang para subukin ka. Thanks to Jazz for making you appreciate small things." Nakangiting sabi niya pero imbis na ngumiti rin sa kanya ay hindi ko magawa. Mas nalungkot lang ako nang banggitin niya ang pangalan ni Jazz.

"Magbihis ka na at mag breakfast ka na sa baba. Hindi ka pa naman kumain kagabi." Sinagot ko lang siya ng tango at umalis na nga siya.

Pinili ko ang pinakasimpleng damit saka nag ayos ng simple. Wala ako sa mood na magpaganda ng sobra. Dumiretso ako agad sa dining pero nakadalawang subo lang ako ay umalis na ako agad. Wala rin akong ganang kumain.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon