• Jazz •
Paris' Pov
Masayang-masaya naman akong kumakain habang wala man lang akong may nararamdaman na presensya ng kahit kanino sa paligid ko. Well, maliban lang siguro rito sa kaharap kong nakakunot noo lang na nakatingin sa akin.
"Masaya ka na n'yan?" Nagtatakang tanong nito.
"You did a great job! Malamang! Nasolo ko na sa wakas 'yung cafeteria! Bakit ikaw di masaya?" Tanong ko sa kanya.
"Tss!" Naiinis na sabi nito at marahan na tinusok ng tinidor 'yung spaghetti at parang may diin na inikot-ikot 'yun saka kinain.
"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko bago mo 'to masolo! Bwisit ka"
Medyo hindi ko pa narinig ang sabi nito sa dulo dahil pabulong niya nang sinabi 'yun.
"What? What did you say?"
"Wala!" Sabi lang nito saka tumingin sa labas.
Napapansin kong may pagka-bipolar siya. Sometimes he's acting like nakalunok siya ng sandamakmak na enervon capsules na kahit anong sabihin mo walang talab sa kanya. Then, bigla na lang siyang magsusungit na para bang babae kapag may dalaw sila. What is wrong with this guy seriously?
"Points 'yun, kapag na iimpress ako sa mga ginagawa mo, malay mo taasan ko 'yung sweldo mo"
Ngayon ay napalingon na ito sa akin.
"Haaayy~ Ano ba 'yan at bakit makalat kang kumain?" Nagulat naman ako dahil biglang lumambing ang boses nito saka kumuha ng tissue at pinunasan 'yung kalat sa bibig ko. Napatigil ako sa pagkain at tiningnan siya ng masama.
"Hehehehe~"
"Plastik" Bulong ko at pinagpatuloy na ang pagkain nang lumayo na ito sa akin.
And now he's smiling!
"Sinabi ko lang na tataasan ko sahod mo gano'n na agad inakto mo? Tss, you're unbelievable" Sabi ko sabay iling-iling.
"Syempre, ano pa't umapply ako sa'yo malamang dahil gusto kong magkapera! Tsk, kaya minsan bawas-bawasan mo rin 'yung pagsusungit mo ha?"
"Well, ikaw ang mag-adjust. Ikaw ang nag tatrabaho rito at hindi ako"
"Sus, wateber"
Muntikan na kong matawa sa sinabi niya kaya nilamon ko na lang 'yung burger ko para hindi niya mahalata.
*A month later*
It's been a month since umapply sa akin ang lalakeng 'yun bilang bodyguard/boyfriend/PA etc. And I don't know why kung bakit nagpatuloy na 'to.
Nakailang attempt na rin ako na i-fire siya ulit nang marealize kong medyo nagiging komportable na ako sa kanya pero siya pa rin itong ayaw. He's very hard headed na kahit na inuutusan ko siya minsan, may mga bagay talaga na di niya sinusunod.
"Tang*na naman! Sa akin mo pa talaga i-aasa 'tong assignment mo! Hindi ka ba na informed na bobo ako?!" Sigaw nito sabay taas ng notebook ko na hawak niya.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...