Chapter 27

652 26 0
                                    

Hurt •

Paris' POV

The moment we entered at the restaurant, mas lumala lang 'yung gutom ko. Amoy na amoy ko 'yung ulam! Ang malala lang do'n, masikip dahil ang dami ng costumers. I've never been in this kind of crowded restaurants before, pero dahil gutom na ako at si Jazz lang 'yung matatakbuhan ko so, no choie ako.

"Siguraduhin mo lang na masarap dito" bulong ko sa kanya habang naghahanap ng vacant table sa paligid.

"Oo naman. Marami nga lang tao kase lunch hour ngayon, hehehe"

"Tss. Pwede bang lumipat na lang tayo?"

"Eh sabi mo unli rice! Dito masarap ang unli rice! Basta, trust me. Kailan pa ba kita niloko sa mga ganitong bagay ha? Pag sinabi kong masarap, masarap!"

"Oo na, ikaw na 'tong si expert. Tss"

"O, ayon!" turo nito sa isang bakanteng upuan doon sa dulo.

Agad niya naman akong hinila roon at saka kami umayos ng upo pero magkaharap.

"Hintayin mo 'ko rito girlpren, babalik lang ako. Mag-oorder lang ako, ahuehuehue" sabi nito saka umalis.

"That's a weird laugh" nakakunot-noong sabi ko. Napakibit-balikat na lang ako saka napatingin-tingin sa paligid.

Hindi pa umabot ng isang minuto ay nakabalik na siya agad.

"Ang bilis mo naman?"

"Sus, ganyan talaga pag marunong kang mag-ninja moves"

Nag-hintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa dumating na nga 'yung inorder niya.

"Ayos!"

Napalunok ako ng laway nang wala sa oras. Kakalagay palang ng plate sa harapan ko ay kinain ko na agad. Hopefully, walang may makakakita sa akin na kakilala ko sa ganitong kalagayan.

Jazz's POV

Nagulat naman ako nang biglang hakmalin ni girlpren 'yung mainit na kanin.

"G-girlpren! Hinay-hinay lang!"  paalala ko sa kanya.

Noong una ay nagulat pa ako pero nang ilang beses itong nagpadagdag ng kanin ay doon na ako natawa ng sobra sa kanya.

Pinakain ko na sa kanya 'yung inorder ko para sa 'kin. Kawawa naman kase ang bata o.

Kinuhanan ko siya ng picture saka video habang kain lang siya ng kain.

"Hi girlpren, tingin ka rito"

Napaangat naman ito ng tingin pero puno pa ng kanin 'yung bibig niya. Hindi ko tuloy naiwasang matawa.

"Hahahahaha! Laptrip 'yung mukha mo girlpren---hahahahaha!"

"Thh----"

Mas lalo pang lumakas ang tawa ko nang hindi nito masabi ang kanyang signature "tss" nang dahil sa puno ng kanin 'yung bibig niya at talagang nabilaukan pa siya. Nabusog na lang ako kakatawa hanggang sa makatapos na siya.

"Tara na" tatayo na sana ako nang mag-salita ito.

"Wait, busog pa 'ko. Later kapag natunawan na 'ko" nakapikit na sabi niya.

Natawa na lang ulit ako at bumalik ng upo. Nakapikit lang siya habang nakahawak sa tiyan niya.

"Ano? Sulit ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Yeah, ikaw na talaga. But, you'll help me burn this, okay?"

"Talaga? Sabay tayong mag-wo-workout?!"

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon