• Offended •
Paris' POV
Dumiretso nga kami sa bahay ni France. Walang katao-tao roon kaya nagtaka ako.
"Bakit walang tao dito sa bahay niyo? Wala ba kayong kasambahay? Parents mo, nasaan?" Tanong ko sa kanya habang dahan-dahan niyang pinapatungan ng ice bag ang ankle ko. Nandito kami ngayon sa kusina ng bahay nila habang nakaupo ako sa bar stool at nakaluhod naman ito sa harap ko.
"Hmm, parents ko busy sa trabaho saka minsan lang sila umuwi. Hindi kami nag h-hire ng kasambahay kasi hindi rin naman namin kailangan,.. hindi ko rin naman kailangan." Sabi niya saka tumawa ng bahagya.
Ibig ba sabihin n'on, sanay na siyang mag-isa rito?
"Ano ba ang trabaho ng parents mo?" Tanong ko. Alam kong matagal na kaming nagpapansinan ni France pero ngayon lang talaga kami nagkausap nang ganito.
"My mom is the supervisor of our school. My dad is a doctor." Simpleng sabi niya kaya bahagya akong napatango.
Hindi naman talaga maitatangging mayaman sila dahil sa ganda at sa laki ng bahay nila. Pero, aanhin mo naman itong yaman niyo kung minsan lang kayong magkasama?
"Wala ka bang kapatid?" Tanong ko. Umiling siya.
"Wala na, namatay habang pinapanganak ni mama." Kwento niya.
"Oh, I'm sorry for that."
"It's okay."
Natahimik na lang ako at tinititigan lang siya habang tutok na tutok sa pag lagay ng ice bag sa ankle ko.
"Hindi ka ba.. nalulungkot? Mag-isa ka lang dito kasi nga sabi mo minsan lang umuwi ang mga magulang mo." Sabi ko na naman sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. "Sanay na akong mag-isa. Saka, okay lang naman kasi independent naman ako." Sabi pa niya sabay angat ng tingin sa akin saka ngumiti.
"Bakit mo naman tinatanong ang mga 'yan? Interesado ka ba sa buhay ko?" Natatawang sabi niya.
"H-hindi naman, nagtataka lang talaga ako." Sagot ko naman.
Ilang minuto lang ay may narinig kaming may nagsisigawan sa sala.
"I've been busy these days, Francis! For christ's sake! 'Wag mo naman akong gawan ng kwento!"
"Kung busy ka, ano na lang kaya ako?! Pagod din ako sa hospital tapos malalaman ko na kumakalantari ka sa mga kasamahan mong lalaki?!"
"Hindi nga 'yon totoo! Pagod ako! Please--tama na muna!"
Napatingin ako kay France at nakayuko lang ito at hindi mapakali ang mga mata. Humihigpit din ang pagkakahawak niya sa ice bag. Parang balisa ito na ano. Alam kong nahihiya siya sa akin dahil sa mga narinig kong pag-aaway ng parents niya.
Bahagya akong yumuko at lumevel sa kanya. "Guess what, break na kami ni Jazz." Pag-iiba ko ng kwento para makuha ko ang atensyon niya.
"T-talaga?" Tumango-tango naman ako.
"Oo, kahit hindi naman talaga naging kami. Hindi mo pa rin ba alam na nag-apply lang siya sa akin bilang boyfriend ko? Kaya dati, panay ang tanggi kong hindi ko siya boyfriend noon kasi binabayaran lang siya ng mom ko para magpanggap." Natatawang kwento ko.
"R-really? Akala ko talaga may relasyon kayo." Hindi pa rin makapaniwalang sabi niya at natuwa naman ako dahil nakuha ko na ang atensyon niya kahit pa may nagsisigawan pa rin doon sa labas.
"Six months ago, when my mom told me na kailangan ko na may taong sasanay sa akin. I was known for being a man hater kaya ayaw ko talaga sa mga katulad mo noon." Natawa ako. "Pero, noong araw na 'yon, sinabi sa akin ni mom na itutuloy raw ang arranged marriage na pinag-usapan nila noon. Ako raw at ang panganay na anak ng isang mayamang pamilya ang ipapakasal na hindi ko rin naman kilala. All the members of my family knows that I hate men but still forced me to get married soon to a stranger. Ayaw nilang bastusin ko siya pag nagkataon na magkita na kami gaya ng ginagawa ko sa ibang mga lalaki kaya nag hire si mom ng isang lalaki na sasanay sa akin before ko makilala ang fiancè ko raw. At, natapos na 'yong six months niya kahapon kaya.. ayon." Mahabang kwento ko at napatango-tango ito.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...