Chapter 39

614 18 4
                                    

Takot

• Takot •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paris' POV

Nakaangkas ako sa likod ni Jazz habang naglalakad kami pauwi—siya lang pala. Dala-dala niya rin 'yong heels ko habang tahimik lang namin na tinatahak ang daan. Pinaglalaruan ko naman 'yong buhok niya habang inihihiga ang ulo ko sa balikat niya.

"Pasyal tayo bukas". Biglang salita nito.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kanya. "Kahit saan mo gusto?" Sagot niya.

Napaisip naman ako saka ako napangiti.

"Ah! Alam mo ba kung saan 'yong garden na pinag-usap-usapan noon sa school? Iyong kakabukas lang daw malapit dito. Balita ko, maganda raw do'n. Doon tayo pumasyal." Mahabang sabi ko at sinagot niya naman ako sabay tango. "Sige, kung saan ka masaya."


Hinatid niya ako sa bahay, dito mismo sa kwarto ko. Ramdam ko pa rin ang hilo dahil sa dami ng alak na ininom ko. Aish, kung hindi lang sana ako uminom ng ganito kadami. Iyon kasi ang nakakainis minsan eh, gustong-gusto ko ang uminom pero ang pinakaayaw ko ay 'yong epekto nun pagkatapos.

"Matulog ka na girlpren." Sabi nito sa malumanay na boses at hinaplos ang noo ko at saka ako nito kinumutan.

"Pwede bang, mamaya ka na umuwi? Kapag.. nakatulog na 'ko?" Pakiusap ko sa kanya. Sinagot niya lang ako ng ngiti, that means 'yes'.

I love that smile. That is Jazz, the Jazz I knew. His smile, his laugh, his jokes, ang pagiging malambing niya and his kalokohan, 'yon ang mamimiss ko sa kanya, ng sobra.





Nagising ako sa tama ng sikat ng araw sa mukha ko. Late na ako nang magising. May pasok pa pala nakalimutan ko, tsk. Eh 'di sana hindi na ako nag-iinom ng gano'n kagabi.

Napabangon ako at napahawak sa ulo ko. Shit! Ang sakit! Siguro, sa afternoon class na lang ako papasok. Napatingin naman agad ako sa bedside table nang maalala ko si Jazz. Kinuha ko agad ang cellphone ko para tingnan kung may text siya, pero wala. Napabuntong-hininga na lang ako saka pumasok agad sa banyo para makapag-shower nang mahimasmasan.


Kasalukuyan akong kumakain habang kasama si London. Late na rin siyang natulog, halatang nag-puyat din.

"Puyat ka ng puyat, magiging anemic ka niyan. O baka nga, anemic ka na." Sabi ko sabay nguya ng kinakain ko.

"I am normal."

"Sinabi ko bang abnormal ka?" Nakita kong nagtaka naman ito sa isinagot ko.

"Well, by the way," Inilahad ko ang palad ko sa kanya. "Pahiram, emergency, babayaran ko."

"Ano ako, 5-6? Doon ka sa kapatid mo manghiram." Sabi nito sabay inom ng fresh milk. Muntik na akong matawa sa sinabi niya.

"Duh! Kaya nga ako nanghihiram sa'yo eh! Kasi nga kapatid kita! Urgent 'to, kailangan ko talaga." Sabi ko pa. 'Di ba nga may lakad kami ni Jazz? Kailangan ko ng pera. Alam kong nando'n ang lahat ng pera ko kay Jazz pero mas gusto ko na may gastos din na galing talaga sa akin.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon