Chapter 90

570 26 8
                                    

Sana  •

Paris' POV

"You know what, I really miss doing this." Nakangiting sabi ko habang nakahiga sa balikat niya at kinakain ang binake naming cake. Nandito kami ngayon sa living room at nakaupo sa sofa habang nanonood ng cartoons sa tv.

"Ako rin nga eh, hayss. Sana pala noong mga araw ng bakasyon nilubos-lubos na natin." Sabi nito saka ngumanga. Hudyat na susubuan ko na naman siya. Tutok na tutok ito sa tv at parang hindi na maalis ang mga mata niya doon.

"Basta, ang masasabi ko lang, mag-aral ka ng mabuti. Para naman 'yan sa sarili mo at sa future mo na rin."

"Future po natin." Pagtatama niya sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Really? Mr. Jazz Vera Young?"

"Yes naman, Mrs. Paris Juhers Kecherz Young! Ayiiee~" Sabi nito sabay hawak sa chin ko na para bang siya pa mismo ang kinilig sa sinabi niya.

"Ano'ng Juhers? It's Dewhurst. Okay, repeat after me. Dew—hurst!" Pagtatama ko sa kanya.

"Juuuu—heeerrrss!"

"Try to pop the 'T' sound."

"TIIIITIIIIII—!~Ahh! Aray naman!" Sigaw nito nang bigla kong tinampal iyong bibig niya.

"Bastos, 'wag na lang!" Singhal ko sa kanya sabay irap.

"Aray naman, ang sakit naman n'on—ARAY! Ang sakit!"

"Mukha mo!"

"Masakit talagaaaa~ Hindi ako nagbibiro!"

Ngayon naman ay napalingon na ako sa kanya. "Patingin nga. Parang wala naman." Sabi ko matapos inspeksyonin iyong bibig niya.

"Bakit, lahat ba ng masakit sa panlabas lang na anyo makikita? Minsan nasasaktan din tayo kahit hindi 'yon nakikita sa panlabas natin!"

"Eh, bakit mo 'ko sinisigawan?! Laway mo tumatalsik!"

Ngumuso ito saka ako niyakap ng mahigpit. "Kiss mo na lang para mawala."

"Tss, para-paraan ka pa eh. Sabihin mo na lang! Ibibigay ko naman eh! O!" Sabi ko sabay nguso rin saka hinila siya sa kwelyo ng kanyang damit. Ngumisi ito sa akin kaya napangisi rin ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa kanang pisngi at dahan-dahan na inilapit ang mukha niya sa akin at dadampi na sana ang mga labi namin sa labi ng isa't isa kung hindi lang ito napatigil nang tumunog ang cellphone niya. Merong tumawatag.

"Teka lang, girlpren." Sabi nito saka umayos ng upo.

Nainis naman ako dahil medyo nabadtrip ako roon. Hindi naman sa atat akong halikan niya ako pero.. parang ganoon na rin kaso nakakainis lang kasi. Parang ang epal lang.

"Ngayon na?" Lumingon ito sa akin habang nakatutok pa rin ang cellphone sa kanyang tainga.

"Sige, susunod na ako." Ibinaba na nito ang tawag. "Girlpren, t-tumawag sa akin si Melody. May gagawin daw kasi kaming presentation saka ipepresent na namin 'yon sa lunes. M-magkagrupo kasi kami kaya.."

Napakunot ako ng noo. "Kailan pa kayo nag exchange ng numbers?"

Hindi naman ito nag-atubiling sumagot. "Nitong nakaraang araw lang, incase of emergency lang naman at nagtetext lang naman kami saka nagtatawagan kung tungkol naman sa mga gawain sa school." Paliwanag nito. Hindi naman ako nakasagot agad at pinagpatuloy lang ang pagkain ng cake saka doon na ibinaling ang atensyon ko sa tv kahit pa hindi ko naman naiintindihan ang pinapanood ko.

Naramdaman ko naman na humiga ito sa balikat ko kaya hindi ko naiwasang mapatingin sa kanya."Bakit hindi ka pa umalis?"

Bumuntong-hininga ito. "Mas gusto ko rito eh. Mas gusto ko ikaw ang kasama."

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon