• Truth or dare? •
Paris' POV
"Eksayted ka na? Malapit na tayo sa bahay!~ At malapit mo na rin makita ang surprise!" Nakangiting sabi niya.
"Really..?" Sabi ko.
Mag d-dilim na at kahit pa ganoon ay kitang-kita ko pa rin kung gaano kaganda ang paligid. Kaunti lang ang bahay na makikita mo at halos lahat parang bahay bakasyunan nga. Grabe, sobrang ganda dito. Parang gusto ko na rin yatang mag patayo ng bahay dito. Hindi poluted and hangin at tahimik lang. Tanging tunog lang ng mga ibon at mga puno sa hangin ang maririnig.
Itinigil ni Jazz ang kotse sa harap ng isang mansion na hindi ko alam kung kanila ba o nag bibiro lang ba siya. Nauna na itong bumaba sa kotse at nag tataka lang akong nakatingin sa kanya. Nag taka rin ito nang makitang hindi pa ako bumaba.
"Nandito na tayo, baba na." Utos niya. Nag aalinlangan naman akong sumunod at umikot sa kabila at lumapit sa kanya sabay hawak sa maleta kong ibinaba niya.
"Are you sure na dito? Baka hindi, nakalimutan mo lang kung saan. Baka kanino pang bahay 'yan at mapagkamalan pa tayong akyat-bahay." Sabi ko. Natawa naman siya na parang hindi makapaniwala.
"Ikaw ha, hindi mo talaga ako pinagkakatiwalaan pagdating sa mga ganito. Alam mo, halika na at magugulat ka sa makikita mo sa loob." Sabi niya sabay ngiti.
Automatic na bumukas ang gate na ikinagulat ko. Shit! Wala kami nito ah. Dapat meron din kami nito! Napatingin ako sa gilid ng haligi at may cctv pala doon. Take note, dalawang cctv. Iyong isa nasa kanang haligi at iyong isa naman ay nasa kaliwa. Tsk, tsk, bakit pa siya nag trabaho kung mas mayaman pa pala siya kesa sa akin?
"Kay lolo ang bahay na 'to. Ibinigay niya sa amin ng mga kapatid ko noong birthday niya pero ako lang ang palaging nakakapunta rito. Hindi kasi makapunta pa ang iba kong mga kapatid kasi malayo raw. Tss, mas piliin ko na lang na bumyahe dito palagi noh. Sulit naman kasi maganda. Kaya nga naisipan kong imbitahan kayo rito eh." Nakangiting sabi niya habang papalakad kami papasok sa loob.
"Kayo?.. Sinong.." Nagtatakang tanong ko sabay lapag ng maleta ko sa sala.
"Oo, tara. Pakita ko sa'yo iyong surprise ko!" Sabi niya sabay hila sa akin papunta sa likod. Kumbaga may glass door na doon kung saan makakalusot ka papunta sa likurang parte ng bahay.
Maliban sa malapad na pool at view ng beach sa kalayuan ay ang mas ikinagulat ko pa ay ang mga tao doon na nag lalangoy sa pool.
"SURPRISE!" Todo effort na sigaw ni Jazz.
"Paris!"
"Hey, siiiiis!~"
Nakanganga na ako ngayon. Hindi ako makapag salita. Gulat pa rin akong nakatingin sa kanila. Si Chez at Caroline nandito. Actuallty, hindi lang sila.
"Oyy! Girlpren ni Jazz!"
"Hello, Paris ko!~"
"Sumabay na kayo rito! Late na kayo ha."
Agad ko namang nilingon si Jazz at mag sasalita pa sana ako nang inunahan na ako nito.
"Oo, nauna na sila dito kasi sumama sila kay Chuck. Mabilis kasi mag drive ang isang 'yan kaya medyo nauna na sila sa atin at parang kanina pa nga yata sila rito, huehue." Kahit hindi naman iyon ang gusto kong itanong ay inunahan niya pa rin ako.
"Hindi--I mean.. paano? Bakit sila kasama--hindi. Bakit hindi ko alam na kasama sila?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Wala rin kasi silang may binanggit sa akin. At saka ano.. ito ang sorpresa niya sa akin? Alin ang kasurprise-surprise dito? Mukhang nadisappoint lang yata ako, eh. Hindi naman sa nadisappoint. Syempre, gusto ko rin naman na nandito ang mga kaibigan ko at mga kaibigan niya kaya lang kasi---tsk sabi na kasing 'wag na akong umasa pa kay Jazz eh.
BINABASA MO ANG
The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)
HumorThe match made in heaven will finally meet in hell. In a game called love, the winner is the loser. *** Paris Kecherz is known for being a man hater. As the 5th heiress of the K.Empires, her mother wants her to marry someday with the son of their bu...