Chapter 36

533 21 0
                                    

Realize

• Realize •

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paris' POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa itsura niya ngayon. Halos lahat ay nagulat. Si London na nakanganga, si Kori na mukhang matatawa, si mom na nakakunot ng noo, si dad na nakataas ang kilay. Parang gusto ko siyang hilahin palayo at ikulong doon.

"Jazz!" Tawag ko sa kanya at bago pa ito makalapit sa table ay inunahan ko na siya. Lumapit ako sa kanya saka siya hinila na medyo malayo sa kanila doon.

"What do you think you're wearing?!" Tanong ko sa mahinang boses pero parang pasigaw.

Naka-cap siya, sunglasses, may suot na mask at naka-jacket. Tinanggal niya ang kanyang mask.

"Napaka-presentable ko nga sa lagay na 'to eh." Parang bata na pag dadahilan nito.

"Ganyan ba ang presentable sa'yo? Mukha kang mamamatay ng lamok! Tanggalin mo 'yan!" Utos ko sa kanya.

"Eh sa ayaw ko, teka---ikinakahiya mo ba 'ko?!" Siya na naman ang galit ngayon.

"What?! Malamang! Sino'ng hindi mahihiya sa itsura mo ngayon! Hubarin mo na 'yan at hinihintay ka na ro'n, tsk! Kainis!" Kumakamot sa ulo na sabi ko at iniwan siya ro'n. Bumalik ako sa table nang nakangiti.

"Asan na ang boyfriend mo?"

"Pasunod na." Sabi ko saka ngumiti.

"He's really being extra, as always." Natatawang sabi ni Kori.

"Nandiyan na siya." Si mom saka napatingin sa likod ko. Lumingon din ako at agad ding napapikit nang makitang gano'n pa rin ang itsura niya. Hindi niya hinubad ang suot niya.

Lumapit ito sa table namin. "Good evening, mama." Bati nito kay mom. "G-good evening, d-dad." Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko sa tawag niya kay dad. Sanay na ako na 'mama' ang tawag niya kay mom, pero kay dad? Ugh, I don't know.

"Sit down, let's eat." Si mom na ang nag salita.

Umupo ito sa tabi ko. Nag simula na kaming kumain at ibinaba niya naman ang suot niyang mask.

Ang awkward ng paligid kasi napakatahimik. Walang may nag sasalita. Tanging tunog lang ng nag babanggaang kutsara, tinidor at plato ang maririnig.

"Jazz, will you please remove your cap, mask and sunglasses. We are eating right now. Are you sick?" Tanong sa kanya ni mom.

"Uhm, opo." Sabi nito. "LBM po." Nagulat naman kami nang napaubo si dad. Nabulunan ito sa kinakain niya. Inalalayan naman agad siya ni mom at binigyan siya ng tubig.

"Jazz." Suway ko sa kanya. "Dad, are you okay?" Tanong ko naman kay dad.

"Ayos lang ako anak, nagulat lang ako." Sabi nito saka pinahiran ang kanyang bibig gamit ang kanyang handkerchief.

The Man Hater's Boyfriend (K9 Series #1: PARIS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon