MY NEW LIFE BEGINS.
"Krisha, nandito na tayo sa tapat ng bahay ng Tita Daphnie mo" Pag gising ni Dad sakin habang nasa passenger seat ako ng kotse namin.
Ihinatid nya kasi ako kela Tita para dito muna magstay sa manila. Si Tita kasi magpapa-aral sa akin para ipagpatuloy ko ang college ko. Dahil sa problema namin.
Nalulong ang daddy ko sa sugal at dahil dun dumami ang aming utang sa mga Salazar. Matalik na kaibigan ni daddy si tito Hector Salazar, Kasama nya ito sa casino, at kung ano ano pang pagsusugal, Dahil madalas syang matalo, si Tito hector ang nagpapautang sa kanya upang may pang bayad sa mga talo nya. Upang makabayad, naibenta ni dad ang aming ari-arian, Gaya na lang ng bahay namin sa bulacan at sa cebu na syang paupahan namin at ang aming restaurant. Naubos ang aming pera kaya napag desisyonan nilang ipatigil sana ako ng pagaaral. Pero hindi ako pumayag at dahil dun, nagpasya silang humingi ng tulong sa Tita ko dito sa Manila.
Kinusot ko ang mga mata ko, at nilibot ang tingin sa bahay ng tita ko. Tila malaki ang pinagbago nito. mula ng dati, May malaki at magarbong gate, may garahe at Meron na din silang garden. Kita din sa loob ang kapansin pansing malaking fountain.
Ang huling dalaw ko kasi dito ay noong 10 years old pa lamang ako. Malaki ito at simpleng bahay lang noon. Ngunit ngayon ay malaki na talaga ang pinagbago nito. Halos triple ang laki ng bahay na ito sa bahay namin.
Pinark na ni daddy ang sasakyan sa garahe. Pagka labas ko ng sasakyan ay sinalubong na ako ng tita ko ng yakap.
"Hija! Kamusta ka na? ang laki laki mo na talaga. I've missed you so much honey." Sabi ng tita kong mukhang excite na excite.
Niyakap ko rin ang tita ko, Grabe namiss ko rin sya. ako kasi ang paborito nyang pamangkin. Dahil wala silang anak ay ako na rin ang tinuring nilang anak. Spoiled ako sa tita ko, Halos ibigay na nila sakin ang kahit anong hilingin ko. Ngunit hindi naman ako gahaman na humingi ng kung ano ano, kaya naman sila na mismo ang nagkukusang magbigay ng mga bagay bagay.
"Okay naman po tita. Kayo po? Namiss ko na rin po kayo. Grabe ang ganda ganda nyo pa rin tita at lalo kayong gumaganda." Pag bati ko sa kanya.
Natawa sya sa sinabi ko, "Ikaw talaga! Napaka bolera mo pa rin hanggang ngayon. Halika pumasok na muna kayo. Chrisostomo tara na sa loob." Anyaya nya sa amin ni daddy
Gabi na rin ng nakarating kami dito sa manila. halos limang oras din kasi ang byahe namin mula Nueva ecija.
Naikwento na rin ni dad ang nangyari sa amin, Laking lungkot ng tita ko ng malaman nyang malaki ang pinagkakautangan namin sa pamilya ng mga Salazar, Gusto nya sana kaming tulungan ngunit ayaw naman ng daddy ko, Kaya naman napag-desisyonan na lang nala na ang pagaaral ko na lang ang ihinging tulong kay tita. Kahit na magtrabaho na lang sana ako sa kanila sa restaurant. Ngunit hindi pumayag si tita na magtrabaho ako para sa kanila. Ayaw nya daw akong nahihirapan, tutal parang anak na rin daw ang turing nya saakin at syempre kapatid nya si dad. Puro sermon ang inabot ng dad ko kay tita dahil sa kahibangan nya sa sugal, bakas naman ang pagsisisi nya dahil sa mga ginawa nya.
"Chrisostomo Imperial, Hindi ka pa rin pala nagbabago? Kita mo, pati anak mo nahihirapan na sa ginawa mo, Halos lahat kayo ay nagsakripisyo dahil dyan sa kahibangan mo." Napailing na lang si tita habang sinesermonan nya ang daddy ko.
Nandito kami sa sala ng bahay, Habang ako'y nakikinig at nakayuko lang sa panenermon ni tita kay daddy. Pinaglalaruan ko na lang ang spongebob kong keychain na bigay sa akin ng panget na si yuri noong bata pa kami.
"Ate, nagsisisi na ako. kaya nga dito muna ang anak ko pansamantala, kailangan ko lang muna makabayad sa mga pinagkakautangan ko, kailangan ko din bawiin ang bahay at lupa namin sa mga salazar.." Paliwanag ni dad sa kabilang dulo ng upuan.
Napailing iling na naman si tita, "Okay sige, Akin na muna ang anak mo. Ako na muna ang magaalaga sa kanya habang tinutuwid mo yang mga kasalanan mo.." Aniya ng tita ko.
Masaya ang tita ko na nandito ako, dahil wala rin naman daw syang kasama sa bahay maliban sa mga katulong. Ang tito ko ay nasa ibang bansa dahil na rin sa pagaasikaso nila sa kumpanyang pinapatakbo nila.
Nandito ako ngayon sa kwarto na kung saan ay dapat na kwarto ng kanilang magiging anak. Ngunit nakunan ang tita ko, kaya naman walang ibang nagiistay dito. Halos wala pa rin palang pinagbago ang kwarto na ito mula ng dating pumunta ako dito. Kulay pink pa rin lahat ng gamit, ang pinto, bintana, wallpaper ng buong kwarto pati na rin ang bedsheets at mga kurtina. Halos lahat ay pink. Pinapalitan kasi ito ng tita ko noon, dahil na rin nalaman nyang paborito ko ang kulay na iyon.
Napaupo na lang ako sa kama at nilibot ang tingin, Namiss ko kasi itong kwarto na ito. Dito kasi ako nagbabakasyon noon kapag bakasyon.
TOK TOK
Napalingon naman ako sa may bangdang pintuan ng marinig ko ang mahinang katok, Nakita ko si tita na nakatayo. Ngumiti ako at naglakad sya papunta sa akin.
"Hija, Bukas ieenroll na kita ha." Nakangiting sabi ng tita ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit, "Salamat po tita." Aniya ko, Habang naiiyak.
Malungkot ako, Oo. Dahil sa sinapit naming mga problema, Kailangan ko pang mapalayo sa mga magulang ko ng dahil doon, ngunit masaya din naman ako na kahit papano ay matutuloy ko na ang pagaaral ko. laking pasalamat ko sa tita ko.
Niyakap din ako ng tita ko pabalik, "Shh, don't cry baby. It's alright. Everything will be alright." Saad nya habang tinatapik nya ang tikod ko.
-
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...