CHAPTER 29

317 2 0
                                    

PERVERT.

"Then let the trap fall for you krisha..."

Hinayaan ko na lang sya, Sumandal ako sa salamin ng pinto at ipinikit ang mga mata. Hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko. Parang namamaga na ang buong mukha ko. Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Ang kati ng katawan ko.

"I-- I can't brea-- breathe..." Yun na lang ang tanging nasabi ko habang nakapikit ako.

"Oh fuck! Bakit ka kasi uminom? Damn it! Alam mong bawal yun sayo.." Aniya nya, Boses lang nya ang naririnig ko. Nakapikit pa rin ako. Hindi na talaga ako makahinga.

Pinaharurot nya ang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Basta ako nakapikit lang dahil sa hirap na akong makahinga. hinahabol ko na lang ang hininga ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan nya. Maya maya nagulat ako ng buksan nya ang pintuan na sinasandalan ko. Napamulat ako dahil akala ko mahuhulog ako. Agad naman nya akong sinalo.

Binuhat nya ko at di ko alam kung saan nya ko dinadala. Umakyat kami sa may elevator at tingin ko isa itong condo. Agad namang bumukas ang elevator at nagsimula syang maglakad papunta sa isang unit.

"T-teka D-dwayne? Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko habang pinipindot nya ang pinlock ng unit.

Bumukas ang pinto at kitang kita ko ang isang presidential suit. dahil na rin sa mga gamit sa loob. Ang laki ng unit na ito. Ang mga maiingat na disenyo ng buong kwarto. Pati na rin ang mga malalaking kurtina, At ang mga gamit at muwebles ng kwarto. mabango at malinis ito.

Binaba ako ni dwayne sa isang malaking kama. Kinakabahan tuloy ako na baka may gawin syang masama. Siguro dito nya dinadala ang mga babaeng ikinakama nya. Nasusuklam ako pag naiisip ko yun. Natatakot ako baka kung anong gawing plano nya.

Naisip ko pa lang yung sinabi nyang trap. Jusko. Eto na ba yun? Help me lord! Hindi ako makakalaban sa kanya dahil hinang hina ako ngayon. Halos di ko na maintindihan ang pakiramdam ko. Kung sakaling may gawin syang masama, Wala akong kalaban laban.

"D-dwane..." Takot na boses ang lumalabas sa bibig ko. Napakalakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa balak nyang gawin sa akin.

"Dyan ka lang. Hintayin mo ko." Mahinahon at nagaalala na sabi. Teka bakit ganun yung mata nya? parang takot at nagpapanic? Ano? iiwan nya ko dito? halos mamamatay na nga ako.

Agad naman syang umalis sa harap ko. Ipinikit ko na lang ang mata ko, Dahil sa sama ng pakiramdam ko. Giniginaw ako. Ang kati ng katawan ko. At pakiramdam ko namamaga ang mukha ko. Hirap na ko makahinga.

"Here, Take this!" Nagulat ako ng bigla syang dumating. Kita kong hawak nyang gamot at tubig.

"A-ano to?" Tanong ko. Iniisip ko na baka sleeping pills to 'no. Lalo akong walang laban sa kanya.

"Tss! Just take it. It's for your allergy." utos nya na medyo may pagkairita.

Paano nya nalaman na may allergy ako? tss. "Paano mo na-"

"I know it krisha. So please just take it?" He said in a frustrated tone.

Inirapan ko sya, Umupo ako at uminom ng gamot. Eto nga ata yung gamot na iniinom ko pag umaatake ang allergy ko. Bawal ako sa alak. Kaya ganun. Hindi ako umiinom ng kahit anong alcohol. Kahit na nagbabar ako noong highschool. Hindi ako umiinom. Party lang no alcohol. Juice lang. ganun!

"Bakit ba kasi naisipan mong uminom? Alam mong bawal sayo?!" Galit nyang bigkas. Tss. bakit sya nagagalit?

"So?" Iritado kong sagot

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon