CHAPTER 42

216 0 0
                                        

COUSINS.


"Anak! Bilisan mo!" Sigaw ni mommy sa akin.

Sa kasalukuyang inaayos ko na ang mga gamit ko. Uuwi kasi kami ngayon sa bahay namin. Doon sa totoong bahay namin sa probinsya. Dahil bakasyon ngayon. I will spend my time with them dahil matagal din akong nawala.

Dapat masaya ako ngayon eh, Pero bakit ganito yung pakiramdam ko? Malungkot at nasasaktan ako ngayon. Gusto kong umuwi dahil namimiss ko na yung mga kaibigan kong mga naging classmate ko noon. Namimiss ko na din na makabonding sila mommy at daddy.

Ngunit parang ang bigat sa pakiramdam at parang ayaw kong umalis sa syudad na ito. Ayokong umalis dahil kahit papano ay naging masaya ako dito. Sa mga naging kaibigan ko. Si mimi, si Steven at si Dwayne. Pati si Tita.

Hindi pa rin ako makapag-move on sa nangyari kahapon. Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng arranged marriage at sa sobrang liit ng mundo namin ay si Steven pa talaga ang taong 'yon.

Okay sana sa akin si Steven...Noon. Dahil crush ko sya, Oo. Gusto ko sya dati. Pero iba na ngayon. Iniisip ko pa lang na mapapangasawa ko sya after Six years ay naiiyak na ako. Nalulungkot na ako. Hindi ko naman sya mahal eh. Crush ko lang sya. Eto nga yata yung sinasabi nilang Infatuation. Dahil sino nga bang hindi mahuhumaling sa kanya. Mabait, sweet, gwapo, halos yata na ng magandang katangian ay nasa kanya na. Yun bang masasabi mong Perfect Guy. Ngunit kahit anong kumbinsi ko sa sarili kong mas okay nga na sya ang mapapangasawa ko kung sakaling matuloy man 'yong binabalak ni daddy, Hindi ko pa rin maiwasang malungkot.

Unang una, paano na lang si Yuri? Paano na lang 'yon? Mawawala na lang ba lahat ng pinanghawakan ko nv matagal na panahon? Paano 'yung pangako? Ni hindi ko pa nga sya nahahanap eh parang sumasara na ang pinto para makita ko sya. Parang lalong nawalan ako ng pagasa na maging kami hanggang huli. Parang malabo na makita ko pa sya. Mahal ko sya, pero hanggang doon na lang siguro 'yun. Ni hindi ko nga alam kung hinahanap nya ako eh. Sa tagal ba naman naming naghiwalay, kahit na anino nya ay hindi ko nakita. Ang sakit lang kasi umasa ako sa wala. Umasa ako sa pangako nya! At ngayon, parang lalong nawala dahil sa marriage na yan!

Pangalawa, si Dwayne. Paano ko na lang sya bibigyan ng pagkakataon na mahalin kung sa huli ay wala rin pala? Mauuwi lang sa wala kung sakaling maging kami man. After Six years, Wala na. Ganun na lang 'yon. At ang masakit lang ay nagugustuhan ko na sya. Nahuhulog na ako sa kanya. And worst, I am already Inlove with him. Hindi ko nga lang sinasabi sa kanya. Mag fefeeling na naman 'yon eh.

Steven is good to me. Siguro ay hindi nya pa kasi alam kung sino ang nagugustuhan ko. Hindi nya nga alam yung kay Yuri eh. Paano pa kaya yung kay Dwayne. Ayoko naman syang saktan. Dahil kahit papano ay mabait sa akin si Steven. I like him, honestly. But I prefer just to be his friend. Friend lang. Not boyfriend nor soon to be husband. Ayoko syang saktan ngunit ayoko rin naman syang paasahin.

Argh! Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit sa utak. Ang dami dami kong iniisip! Ang dami kong pinoproblema. Nakakainis! Puyat na puyat pa ako.

Gusto ko sanang tawagan si Mimi sa cellphone, Kaso medyo naiilang pa rin ako. Syempre, Parang pakiramdam ko nagsisinungaling sya sa akin. Ni wala syang kinekwento sa akin. Minsan nga naisip ko, may tinatago kaya si mimi sa akin? Ngunit hindi ko naman alam kung ano ang pwede nyang itago. Hay! Bahala na nga. Itetext ko na lang sya na paalis na ako. Siguro ay busy na 'yun ngayon.

Si Steven ay magbabakasyon naman sila sa Singapore. Sinabi nya sa amin 'yun, kahapon. Nung pumunta sya dito. Mamaya din yata ang alis nila. Hindi ko naman alam exact time eh.

Si Dwayne naman, Hindi ko alam. Hindi sya nagtetext sa akin simula kahapon pag katapos nya akong ihatid. Nagtaka pa ako nang tumawag sya sa akin gabing gabi na. Mga ala-una na ata ng madaling araw 'yon. Kaya ako napuyat, dahil din sa kanya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon