CHAPTER 30

270 2 0
                                        

NO ONE WILL STEAL.

"Seryoso natin ah?" Napaangat naman ang tingin ko sa nakatayong si hyuri.

Ngumiti lang ako at binaling ang tingin sa notebook ko. Nandito ako ngayon sa field. Dito sa ilalim ng puno. Nagrereview kasi ako para sa susunod na linggo. Para sa finals namin.

Si mimi, Wala na naman kasi. Nakakapagtaka lang. Madalas na syang umaabsent ngayon. Hindi nya kasi sinasabi kung ano ang problema eh. Parang pag nagkikita kami, Puro mamasayang kwento lang ang sinasabi nya, pero pag problema na ang tinatanong ko, Iniiba nya ang usapan. Hindi ko rin naman sya pinipilit. Hinihintay ko lang sya na magkusang magsabi.

Si steven at si dwayne, Nasa practice ata ngayon. Hindi ko sila nakikita ngayon eh. Puro practice naman sila. Kakatapos lang naman ng game eh, siguro naaadik lang sa basketball yung dalawang yun.

Narinig ko ang ilang hakbang papalapit sa akin ni hyuri. Umupo sya sa tabi ko.

"Oo eh, Next week na kasi yung finals." Nilipat ko ang page ng notebook ko.

"Ah, Oo nga eh. Ako siguro mamaya ako magsisimulang magreview." Aniya habang binubunot ang mga halaman sa field.

Hindi ako nagsalita, Hindi ko kasi maintindihan yung mga nirereview ko. Patuloy lang ako sa pagbabasa ng mga sinulat kong notes.

"Krisha?"

"Yes?" Patuloy ako sa pagbabasa, Hindi ko sya nililingon. Pero kita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sya sa akin.

"Sorry." Mahinang boses ang lumabas sa bibig nya.

Binalingan ko sya ng tingin, "Para san?"

Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita, "Nung nangyari last time."

Napakunot naman ang noo ko, Naalala ko yung sinasabi nya. Yung muntik na nya akong halikan. Doon sa bar.

Tumingin ulit ako sa notebook ko at patuloy na nagbasa  "It's okay. Wala na sa akin yun."

Sa totoo lang, Nadisappoint ako sa kanya nun. Pinagkatiwalaan ko sya eh. Kaibigan ko sya, pero hindi ko inexpect na gagawin nya sa akin yun. Dahil simula nung nakilala ko sya, magaan na ang loob ko sa kanya. Pero wala na din akong magagawa nangyari na eh. Para sa akin, wala na yung nangyari. Tsaka hindi naman natuloy eh. Dahil dumating si dwayne 'nun.

"I was drunk that time, Hindi ko rin alam kung bakit ko nagaw-"

"Hayaan mo na hyuri, wala na eh. Tapos na yun. Wag mo ng isipin yun."

Hindi ko na tuloy maintindihan yung binabasa ko. Sinarado ko na lang yung notebook ko at tumingin sa kawalan. Tinignan ko na lang yung mga natatanaw ko sa malayo.

"Sorry talaga kri-"

"Don't say sorry na hyuri." Binalingan ko sya ng tingin. Nakangiti ako. Oo, Para hindi na rin sya magalala. Iniisip nya pa rin siguro na galit ako.

"O-okay." Ngumiti din sya pabalik.

"M-may gagawin ka ba mamaya?" Tanong nya.

"Wala naman. Bakit?"

Pinasadahan nya ng kamay nya ang kanyang buhok, "Lunch?"

Napataas naman ang kilay ko. He's asking me to have some lunch with him? Well, Wala naman akong kasama mamayang kumain. "Sure."

-

Inaayos ko na ang mga gamit ko. Kakatapos lang ng subject ko ngayon eh. Nakakabaliw naman, Wala si mimi. Parang hindi na ako sanay na wala sya. Walang nambubulabog sa tahimik kong buhay.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon