CHAPTER 62

85 1 0
                                        

EXPLAIN.

Nagising na lang ako kinaumagahan nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinusot ko ang namumugto kong mga mata, gawa ng pagiyak ko kagabi.

Nakatulog pala ako kakaiyak at kakahintay ng text ni Yuri.

Dali dali kong hinablot ang cellphone ko sa side table at hindi ko na nagawang sulyapan pa kung sino man ang tumatawag sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil unang pumasok sa isip kong si Yuri ang tumatawag.

"Hello?" Napalunok ako.

"Shasha!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang tili mula sa kabilang linya.

"S-sino to?"

Napabuntong hininga talaga ako. Mali pala ako ng iniisip. Hindi siya ang tumatawag.

"What?!" Mukhang di siya makapaniwala sa sinabi ko. "Grabe ka shasha! I'm your cousin-"

"Uh, yeah. Mitch!" Pinutol ko agad ang sinabi niya nang mabosesan ko ito. Lalo na nang nag-english siya at ang pagtawag niya sa akin ng 'Shasha'. Siya lang naman at ang ibang pinsan ko ang tumatawag nun.

"Yeah, buti naman kilala mo pa ako. Hindi mo ba sinave ang number ko?"

"No... I mean, naka save ang number mo, I was expecting someone kaya hindi ko na nakita yung pangalan mo sa screen." Paliwanag ko. "So..."

"Oh... It must be important. Maybe I should call later-"

"No. It's okay. Anyway, what is it? Napatawag ang pinsan ko?" Ngumiti ako at tumayo para tignan ang sarili ko sa salamin.

Narinig ko ang tili niya sa kabilang linya. Pati na rin ang maiingay na background na boses nila Brent at Raze na mukhang naglalaro na naman dahil sa pagtrash talk nila. Ang mga halakhak ng pinsan kong sila Macky at Mark ay naririnig ko din.

"We'll fly back in the Philippines, again!" Masiglang balita niya sa akin kasunod ng matining na tili niya.

Tumawa naman ako. "Really? Kailan?"

Pinasadahan ko ng aking daliri ang ilalim ng mata ko habang nakatingin sa salamin. Napabuntong hininga ulit ako. Namumugto pa rin ang mata ko. Ang taba ng eyebags ko. Ang pangit!

"Sooner!"

"Oh, that's good news!" Aniya ko. "Excited na ako!"

Humagikgik siya. "Me too!"

Ilang buwan na kasi kaming hindi nagsama-sama dahil umuwi na din sila sa US. Hindi nga natuloy yung party namin sa Skyland. Kaya naman namiss din naman ang pakikipag bonding. Nagkwentuhan pa kami ni Mitch ng kung ano-ano. At ang ibang pinsan ko din ay nakausap ko na puro kalokohan lang ang sinasabi.

"I miss you, Krisha!" Sigaw ni Brent, kasunod ng malutong niyang mura.

Humiga ulit ako sa kama ko at niyakap ang malamig kong unan.

"Damn! Madugas ka talaga, Raze!" Aniya. Narinig ko din ang tawanan nila. Mukhang natalo na naman siya sa laro nila.

"Weak ka lang talaga!" Asar ni Raze na agad naman nasundan ng mura ni Brent.

Humalakhak ako at napailing. Kahit kailan talaga 'to si Brent. Wala pa ring pinagbago.

"Hey! You still there?"

"Oo naman."

"Don't you miss me?" Humalakhak siya. Narinig ko ang mura ng ibang pinsan namin.

"Ayan ka na naman, Brent! Pinsan natin yan!" Sigaw ni Macky. "Malicious boy."

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon