ANG HIRAP PALA.
Hindi nawala ang simangot niyang mukha hanggang sa nakarating ako sa loob ng kanyang sasakyan. Halos padarag niya pang sinarado ang pintuan ko bago siya umikot para makapasok sa driver's seat.
Napatalon ako sa ginawa niya, Umiling ako at ngumisi ng malaki habang sinusundan ko ng tingin ang pagpasok niya sa loob.
Kahit kailan talaga, masarap pa rin siyang asarin. Napaka-pikon niya kasi eh!
Matalim niya akong tinignan nang makita niya akong nakangisi pa rin. Mas lalong kumunot ang kanyang noo.
"Wa'g kang ngingisi-ngisi diyan. Hindi nakakatuwa." Iritadong sabi niya bago niya pinatunong ang kanyang sasakyan.
Umirap siya sa akin. Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Badtrip nga talaga siya! Napaka-Suplado pa!
"Kuya-kuya? Tss." Bulong niya sa kanyang sarili at pinatakbo na ang sasakyan.
Kinagat ko ang labi ko habang tumitingin ako sa labas ng bintana. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko sa mga salitang sinasabi niya.
Sa sobrang pagkatuwa ko sa pagiging pikon niya ay naisip ko pa siyang pikunin lalo kaya naman...
"HAAAAY!" Ini-stretch ko ang dalawang kamay ko sa itaas. "Sayang naman at hindi ako maihahatid nung lalaki kanina. Infairness, ang gwapo ni Kuya!" Sabi ko sa aking sarili bago tumingin sa labas.
Kahit na sinabi ko iyon sa aking sarili ay intensyon ko talagang iparinig 'yon sa kanya. Para naman makaganti ako sa pangaasar niya sa akin kanina.
"Anong sabi mo, Krisha?" Malamig na tanong niya.
Ngumisi muna ako bago bumaling sa kanya.
"Huh?" Tumaas ang kilay ko.
Patay malisya ang peg ko. Kunwari ay hindi ko alam ang kanyang sinasabi.
Tinitigan niya ako. Nanliit ang kanyang mga mata bago hininto ang kanyang sasakyan. Tumigin muna ako sa labas bago ko siya tinignan ulit.
"Ano nga ulit yung sinabi mo?" Mariin niyang untag.
"Ang alin?"
Mas lalong lumiit ang kanyang mata. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa bawat pag lapit niya ay unti-unti ko ring nakikita ang features ng kanyang mukha.
Halos maramdaman ko na naman ang biglang lakas ng pintig ng puso ko habang pinagmamasdan kong mabuti ang HD na mukha ng gwapong nilalang na ito!
Masasabi kong gwapo ang lalaki kanina pero ang isang 'to ay parang wala pa sa kalingkingan niya ang mga lalakeng iyon kung ikukumpara ang kagwapuhan niya.
Sinubukan kong lumunok kahit na parang may kung anong nagbabara sa lalamunan ko.
Lalong umitim ang kanyang mata sa titig na ginagawa niya sa akin. Nanghihina ako sa tingin niya at halos mangatog na ang tuhod ko.
"Yung sinabi mo, Krisha? Wa'g mo sabihing nakalimutan mo agad?"
Naikuyom ko na ang aking kamay nang patuloy pa rin niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin. Kahit na pilit kong ilayo ang mukha ko ay wala pa rin kwenta dahil sa ginagawa niya. Nawala na rin ang ngisi ko at hindi ko na maintindihan kung paano i-iitsura ang pagmumukha ko gayung kabado pa rin ako.
"Y-yung.... G-gwap-po ba?" Kinagat ko ang labi ko nang hindi ko na maikontrol ang sarili ko sa pagkautal.
Para bang pag pinagmamasdan ko ang pagkurap ng mata niya ay bumabagal ang takbo ng oras.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomansaHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
