I LOVE YOU, GOOD BYE.
Ilang araw na ang lumipas mula nung huling date namin ni Dwayne. Masaya ako nun. Ngunit hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Oo nung una, may hinala talaga ako na sya si Yuri. Ngunit hindi ko pala talaga inexpect na sya talaga 'yun.
Si Dwayne at Hurricane ay iisa. At ang sakit lang. Masakit pala marinig mula sa kanya ang totoo. Masakit dahil pinagmukha nya akong tanga. Pinagmukha nya akong ibang tao sa kanya. Na sariling bestfriend ko, Nagsinungaling sa akin. Oo masaya ako dahil nakita ko na sya. Ngunit hindi pa rin mawala sa akin yung sakit dahil sa tagal tagal na hinanap ko sya, Hindi ko inexpect na ang matagal ko ng kinaiinisan at ang matagal ko ng hinahanap ay iisa. Masakit lang dahil tinago nya sa akin ang pagkatao nya. Ni hindi ko na sya pinakinggan. Kung ano man yung rason nya. Ayoko munang marinig. Dahil baka mas masaktan lang ako.
Damn that! My Mysterious Guy na sinasabi ko ay unti unti ng nabuo. Kaya pala napaka mysteryoso nya sa akin. Na halos lahat ng bagay ay alam nya tungkol sa akin. Mula sa paborito kong kulay, bulaklak, pagkain, at kung ano ano pa. At ang tanga ko pala talaga dahil hindi ko man lang 'yun naisip dahil natabunan ng kung ano ano ang nasa utak ko. Nakakainis lang. Utak ipis ba talaga ako? Matalino naman ako pero bakit pag dating sa kanya nagiging bobo ako?
Ilang araw ko na rin sya iniiwasan. Ayoko muna syang makausap. Ni kahit makita ay ayoko. Ayoko! Dahil tuwing nakikita ko sya ay nasasaktan lang ako. Kahit na sya yung umamin na sa akin ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan.
"Dwayne, saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ko makita ang paligid dahil nakatakip ang mata ko. Lagyan ba naman ako ng blind fold eh. Nandito pa rin kami sa tagaytay. Tingin ko kasi tagaytay 'to eh. Eh malamig eh. LOL.
"It's a secret. Wag kang maingay." Bulong nya sa akin.
Kinikilabutan talaga ako kapag bumubulong sya sa akin. Ewan ko. Ang husky kasi ng boses nya. Ang sexy kasi eh. Alam nyo 'yun? Naku! Eto talagang Mysterious Guy ko ang daming alam.
"May pa secret secret ka pang nalalaman eh. Konyatan kaya kita jan. Baka makatapak pa ako dito ng kung ano ano. Naku! Masasapak talaga kita."
I heard him chuckled, "What kind of word is that? What's konyatan? I really don't know..." Tumawa sya, "Don't worry babe. Just trust me. Hawak kita, hindi ka masasaktan." Natatawang sabi nya.
Tumawa ako, "Konyatan lang, di pa alam? San ka ba pinanganak? Sa kaharian? Prinsipe much? Walang alam. Tss."
"Yabang naman ng babe ko. Halikan kita d'yan eh."
Natigilan ako sa pag tawa. Naku naman! Umiinit na naman ang mahiwaga kong pisngi.
Panay ang hila nya sa akin. Well, Inaalalayan naman nya ako eh. Hawak nya ang beywang at ang kanang kamay ko.
"We're here." Aniya sabay tanggal ng blind fold ko.
Nung una, wala akong masyadong maaninag, Ngunit maya maya ay nakita ko ang magandang nakaset na table. Alam nyo yung sa romantic date? Color pink nga lang ang tema nito at hindi red.
Nasa playground kami at may seaside malapit. May ganito pala sa lugar na 'to? How romantic. Wala naman nang araw. Gabi na kasi. At malamig ang hangin dito. This was the perfect place and perfect time. And all I can do is to cry. Naiiyak ako dahil this was the first time kong makaranas ng ganito. Naiiyak ako dahil masaya ako. He set this kind of date. This was a perfect date. Ang saya saya ko.
May lantern pang lumilipad mula sa langit. Tapos may mga candle lights pa. Ang ganda. I really can't expain how beautiful it is. Hindi ko na rin maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...