FIANCÉ?
Nakarating kami dito sa hospital at kasalukuyang ginamot na si dwayne ng doctor. Nalaman kong takot pala sya sa hopital lalo na sa dugo. Kaya pala tulala sya nung nakita nya yung dugo nya nung sinaksak sya ni hyuri. Jusko, Idahilan pa talaga sa akin na maraming lalaking nurse at doctor. Yun pala ayaw lang nya pumunta kasi takot sya. Patawa!
*Flashback*
"Hoy! Ano pa hinihintay mo? Lamay mo? Bumaba ka na dyan!" Sigaw ko sa kanya. Ayaw nya kasing lumabas ng sasakyan nya.
"Umuwi na lang tayo. Ikaw na lang mag gamot nito."
Napansin kong namumutla sya. Hala? Bakit kaya gan'to? Baka nauubusan na sya ng dugo?
"Halika na! Wag kang maarte. Nauubusan ka na ata ng dugo. Namumutla ka na." Binuksan ko ang pintuan nya at buong lakas na hinila sya. Pero ayaw nya talagang tumayo.
"Ano ba dwayne! Para kang bata!"
"Ayoko nga kasi."
"Bakit muna?"
Umiwas sya ng tingin sa akin, Para bang naghahanap ng pwedeng sasabihin na dahilan.
"K-kasi maraming lalaking titingin sa'yo! Ano, gusto mo bang makapatay ako ng tao?" Buong lakas nyang sabi.
Napakunot naman ang noo ko at hinila ulit sya, "Para kang tanga! Halika na nga. Mahal ang kabaong ngayon! Sagot ko pa yung libingan mo pag namatay ka dyan, Halika nnnnna!"
Panay naman ang piglas nya. Ano bang problema ne'tong lalaking 'to? Bakit ayaw nya? Para syang batang kinakaladkad na ayaw sumama. Aish!
"Ayoko." Inis na sabi nya.
"Bakit ba kasi? Bigyan mo ko ng matibay na dahilan na pwedeng sabihing not guilty sa korte para malaman ko kung bakit ayaw mo!"
Ano yun? Di ko naintindihan yung sinabi ko ah? HAHA!
Tinaasan nya ako ng kilay, "What?!" Mukhang hindi nya rin naintindihan yung sinabi ko.
Napabuntong hininga naman ako. "Ano ba kasing dahilan?"
Huminga sya ng malalim. Nagiwas sya ng tingin sa akin at parang hirap pa sya sa bawat salitang sasabihin nya.
"I-I don't want. Ayoko sa hospital. I-I'm scared." Aniya sabay yuko. Kita ko ang pamumula ng pisngi nya na parang nahihiya sa sinabi nya.
Scared? Tama ba yung narinig ko? Scared ba talaga? Seriously? Etong lalaking kaharap ko na malaki ang katawan at saksakan ng gwapo? Takot sa hospital?
Humagalpak ako ng tawa sa narinig ko. I can't believe that he's afraid. Ang sakit ng tyan ko sa sobrang tawa ko. Halos maubusan na ako ng hininga at hinawakan ko na ang tyan ko.
Nabaling naman ang tingin nya sa akin at kumunot ang noo.
"HEY! WHAT'S FUNNY?!" Inis na tanong nya.
Wahahaha! I cannot. Lol. Ang sakit sa tyan. Ang laki ng katawan nya at katakutan ang hospital? Imagine? Ang lakas nyang mag hari-harian sa school, tapos hospital lang pala katapat nya. Oh my gosh.
"Scared of what? Hospital? Oh my god! Hospital lang ba talaga katapat mo?" Natatawang sabi ko.
Napakagat sya ng labi. Para bang nagpipigil ng inis, Nagigting ang kanyang bagang at nanliit ang kanyang mga mata.
"That's why ayoko dito. Alam mo bang naglakas lang ako ng loob dati na dalawin ka sa hospital nung nagkasakit ka. Sa kagustuhan kong dalawin ka at sa sobrang pagaalala ko sa'yo, I don't even care na takot ako pumunta sa hospital. As long as makita lang kita. Damn, I'm fine with that because I saw you. Tapos yung dinala mo naman ako sa hospital. Mabuti na lang ay nandun ang mga kaibigan ko at hindi ako nakaramdam ng takot. God! I'm so gay with this. Fuck!" Inis na inis na sabi nya habang sinasabunutan ang sarili nya.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...