CHAPTER 11

268 0 0
                                        

WEIRDNESS.

"Tara na bes! Tagal mo naman." Hila hila ako ni mimi ngayon.

Papunta kami ngayon sa klase dahil sa hinintay ko syang pumasok dahil late na sya ay mukhang malalate na din ako.

"Sandali lang bes, Dahan dahan naman." Saad ko habang patuloy pa din kami sa pagtatakbo.

Nang makarating na kami sa classroom. Good thing at wala pa si Ms. Sungit na si ma'am Jimenez. Kaya naman ay dali dali kaming umupo agad sa pwesto namin.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni kean sa bandang likod. Kasama nila sila prince at ang iba pa naming kaibigan.

"Eto kasi si bes, Hinintay ko pa." Saad ko at binaling ulit ang tingin sa harapan.

Saktong dumating si miss sungit at agad namang tumahimik ang lahat. Takot kasi sila, I mean kaming lahat sa kanya dahil sa katarayan nya.

Agad namang natapos ang nakakaboring na lesson, Kaya naman inayos ko na agad ang mga gamit ko sa bag.

Papunta na kami ni mimi sa susunod na subject, Ngunit naalala kong may kukunin pa pala ako sa locker ko.

"Bes! Samahan mo'ko. Kukunin ko pa papala yung libro natin." Saad ko at agad kaming dumiretso sa locker.

Pagkabukas ko ay agad tumambad sa akin ang isang maliit na teddy bear na pink, At white na tulip? Seriously? Ang favorite kong kulay at favorite kong flower?

Nanlaki ang mga mata ko. Sino ang nagbigay ne'to? Shemay! Ngayon na lang ulit may nagbigay sa akin ne'to ah? Yung tulip na favorite ko mula nung bata pa ako. Kaming dalawa ni yuri ang pumipitas ng tulip sa bakuran namin sa probinsya namin noon.

Sumulyap si mimi sa locker ko at nanlaki din ang mga mata nya. "Oh my gosh bes! What was that?" Gulat na sabi nya.

Ako rin nagulat mismo eh. "A bear and a tulip, Obvious ba?" Sarkastikong sabi ko.

Kumunot ang noo nya, "I know, Pero kanino galing?"

"I don't know." Agad kong kinuha ang maliit na bear na may heart at nakalagay na *Be my friend*

Napansin kong may meron itong kulay blue na sticky note. Kinuha ko ito at binasa.

Hey krisha. Let's be friends.

                                        - Dwayne  "

"Oh my gosh bes. Seriously? Dwayne is asking you to be his friend?" Kinikilig na sabi nya habang hawak ang magkabilang balikat ko.

"Tumigil ka nga dyan." Umirap ako sa kanya.

Agad nyang tinanggal ang kamay nya sa balikat ko at kumunot ang noo. "Bakit ka ba ganyan. Kita mo nga ang sweet nung tao."

Sweet? Binigyan lang ako ng bear at flower? Sweet na yun. Tss. kung iisipin ko eh ilang babae na ang binigyan nya ng ganito. Napakababaero kaya nya.

"Di yan sweet  May balak lang siguro yan. Tss." Umirap ako sa kawalan at binalik na lang mga stuffs na binigay nya.

Kinuha ko na lang ang libro at iba pang kailangan para sa subject at agad na kaming dumiretso sa class room.

Hindi ko na pala naikwento kay mimi at kay steven ang nangyari sa akin. At yung mga sinabi ni dwayne. Ayoko naman kasi na may masabi pa sila about dun. Para sakin, Wala lang yun.

Oo nga pala't di ko nabigay kay dwayne yung tshirt nya. Hindi ko kasi sya nakita nitong mga nakaraang araw.

Masaya ako ngayon kasi kahit papano ay wala nang nangugulo sakin simula nung nangyari 'yong ginawa ni dwayne. Nanibago ako sa kanya nung time na yun. Hindi ko alam kung bakit din nag huhuramentado ang baliw kong puso nung mga oras na 'yon. Kahit na inis na inis ako sa kanya, Parang unti unting natutunaw ang malamig kong puso para sa kanya. Ay letche, Ano ba 'tong sinasabi ko.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon