BE MY FRIEND
Nandito kami ngayon ni mimi sa favorite spot namin. Canteen. I'm with mimi. LOL, Oo. Bati na kami. Hindi ko naman matitiis tong pangit na to. Kahit na iniwan nya ako sa mokong na dwayne na yun kahapon, Mahal ko pa rin tong bes ko.
Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung mga salitang sinabi sa akin ni dwayne kahapon.
"I may not be your boyfriend, But I can be your possessive...friend."
Jusko, Napuyat kaya ako kakaisip 'nun. Hindi ko alam kung bakit. Pero kapag naiisip ko 'yon. Nagkakaroon na naman ako ng Dwayne desease. HAHA. Napailing iling na lang ako. Hindi ko na muna iisipin yun ngayon. Hindi ko rin naman ikekwento kay mimi 'yon.
"Bessy alam mo ba kanina, May binully na naman si sabrina. Yung girl na nakabangga sya, pinahiya nya dun sa corridor. Tinapunan nya ng coke sa damit. Grabe awang awa ako dun sa babae." Kwento ni mimi
Maaga kasi sya pumasok kanina dahil nag search pa sya sa library. Eh pang hapon naman kami kaya hapon na ako pumasok, kaya yun. sya lang nakakita nung kalokohang ginawa nung sabrina na yun.
"Oh talaga? Grabe na talaga yun si sabrina. Buti di sya nirereklamo dito sa school. Nako kung kasing yaman ko lang talaga yun, Ako talaga makakalaban nya."
Habang nag kkwentuhan kami ni mimi,
Biglang dumating ang IBIG na bading. Yung mga babae nagsitilian na naman.
Grabe naman kamandag ng mga 'to. Lakas! Nakita ko si dwayne na tumigin sa akin. Pero imbis na makipagtitigan ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Heart easy ka lang. Don't be in a hurry. Aish!
Wala silang kasamang mga babae,
Maya maya, Lumapit sila sa isang guy na nakaupo sa isang table. Mukhang nerdy yung lalake. Malaki kasi yung glasses nya at parang mukha talagang matalino. Parang mam-bubully na naman sila ah? :/
Umakbay si andrew dun sa guy tapos pinapakealaman nila yung kinakain nung lalaki. Yung mga pagkain nya binabato sa mukha nya at parang pinipilit pa nilang subuan ito.
"This! nerdy, Try this one. masarap yan-" Binato ni storm sa mukha nya yung parang beans. Tawa sila ng tawa. Samantalang yung lalaki nakayuko lang.
Kainis! Ano bang problema nila. Nanahimik yung tao eh. Yung lalaki parang takot na takot sa kanila.
"Bes, Grabe sila noh.." Sabi ni mimi.
Titig na titig lang ako sa kanila. Si dwayne at klein naman nakaupo lang sa harap nila Pinapanuod ang tatlong kaibigan nya na nanttrip.
"Pero look at baby klein. Hindi sya nambubully, pero hindi naman nya pinipigilan yung mga kaibigan nya. Hayyy." Mimi said. Malungkot ang boses nya.
Walang pumipigil sa kanila. Mga takot sa kanila ang mga estudyante. Pero hindi ko naman pwedeng hayaan na ganito na lang.
"Ugh! Di ko na kaya to!" Tumayo ako.
"Oy, bes! Saan ka pupunta?" Tanong ni mimi.
"May gagawin lang!" Naglakad ako sa direksyon nila dwayne. Patuloy pa rin sila sa pangbubully dun sa lalaki. ARGH! Nakakainis na.
Nang makarating ako sa inuupuan nila.
"Hoy! Tumigil na nga kayo!!" Sigaw ko sa kanila.
Natigilan sila sa ginagawa nila at tumingin sakin na parang nabigla. Ang mga taong kumakain at ang ibang fans nila nakatingin din sakin. Si dwayne ay nanlaki ang mata na halatang nabigla sa pagsulpot ko sa harapan nila.
"Ohhhh.." Ngumiti si andrew. "...And who are you miss beautiful?" Tanong nya.
"Hindi na mahalaga kung sino ako, Ang gusto ko tigilan nyo sya!" Inis na inis na boses ang lumabas sa labi ko.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...