VISIT.
KRISHA IMPERIAL'S P.O.V
I slowly opened my eyes, bakit puro puti yung nakikita ko? Ang liwanag. I looked down and I saw a hose connected on my hand. Bakit? Ano 'to? Nasa ospital ba ako?
"Hi honey, How are you?" bungad sakin ni tita na nasa tabi ko.
"Ahm, Nasaan po ako?" I asked her even though I know where am I. I just want to make sure.
"Nasa ospital ka honey, ang taas kasi ng lagnat mo kaninang umaga kaya tinakbo ka ni dteven dito. So? Ok na pakiramdam mo?" She smiled at me. But she looks so worried. I see it in her eyes.
"Yes tita, Nasan po si Steven?"
"Pinauwi ko muna, pero babalik sya dito. Maya maya nandito na yun, sya kasi magbabantay sayo."
Magbabantay? So aalis si tita?
I pouted, "Ikaw po? Saan ka pupunta?"
Lumungkot ang kanyang mukha. "May urgent akong pupuntahan eh, pero babalik ako nang mga hapon. Nagugutom ka ba? Ano gusto mong kainin?"
Ganun ba kataas ang lagnat ko para dalhin na ko dito sa hospital? Hm. Hindi naman ako medyo nagugutom. Pero mas maganda sigurong kumain na ako para lumakas.
"Ok lang po tita, kahit oatmeal na lang po muna kainin ko."
Wala rin kasi akong maysadong gana. So, Mas okay na siguro 'yon. Ngumiti sa akin si tita.
"Sige, wait gagawan kita."
Hinalikan nya ang noo ko, At agad na lumabas ng kwarto. Malaki ang kwarto na 'to. Hindi ba masyadong mahal ang bayad dito? Hmm. Nilibot ko ang tingin ko. May sofa dito at may T.V, May aircon din.
Maya maya dumating na si tita, Dala yung tray na may food and milk.
"Oh hija, Eto na yung oatmeal mo at yung gamot mo." Umupo sya sa tabi ko at nilapag yung tray sa lap ko.
"Salamat po tita." I gave her my sweetest smile.
Sumubo na ako ng konting oatmeal, Nanghihina pa ako. Pero kailangan kong magpagaling. Hindi pwedeng ganito. Sumubo pa ako ng isang kutsara ng oatmeal at biglang may kumatok.
TOK TOK
I turned my head through the door. Waiting for someone to enter. Sino kaya 'yon?
"Pasok." Saad ni tita.
Sumilip muna yung lalaking may malalim na dimple sa pintuan, He smiled first then he spoke. "Good morning po tita."
Tuluyan na syang pumasok dito sa loob ng kwarto at sinara ang pintuan. May hawak syang isang supot na plastic at ang isa ay yung bag ko.
"Oh hijo, Anjan ka na pala. Maupo ka muna."
Tumango si steven at nilapag ang mga hawak nya sa sofa. Humarap sakin si tita, "Oh hija, Anjan na si steven, I really have to go na. I'll be back later, Okay? Inumin mo yang mga gamot mo ha." Hinalikan nya ako sa noo.
I just nodded and smile. "Ingat po kayo tita." She smiled back.
"Steven, I'll go. Take care of her, okay? Text me kung may problema, Babalik din ako bago mag 3. Kumain ka na din kung nagugutom ka ha. I really have to go na." Tumayo na sya.
"Sige po tita, Maraming salamat po, Ingat po kayo."
Tumango na si tita at naglakad palabas ng kwarto. Kumaway pa sya sa akin bago tuluyang lumabas.
Tumingin sa akin si steven at ngumiti, Kitang kita na naman ang napaka lalim na dimples nya. "Ish, Are you okay na?"
Ngumiti din ako, "Yeah, I'm fine. Thankyou pala kanina."
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomansaHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...