UNDER PROCESSING...
"Hoy! Ikaw babae ka! Anong plan plan 'yung pinagsasabi nyo? Wag nyo sabihing tinutuloy nyo yung plano nyo?! Naku talaga." Piningot ko yung tenga nya.
"Aray! Bessy. Aw! Aw! Aw!" Aniya habang iniinda ang sakit.
"Anong aw, aw, aw? At kailan ka pa naging aso? Aber?" Hinila ko sya hanggang sa gilid ng upuan.
Sya naman ay iniinda pa rin ang pingot ko. Halos mapaliyad na sya sa sakit. Hindi ko naman hinihigpitan eh. Nakakainis kasi, Alam kong kasama yun sa plano nila. Kaya siguro nagwala yun si Yuri kanina. Kaya siguro sinipa nya yung upuan. Pero bakit naman nya sisipain 'yun? Bakit naman nya gagawin 'yun? Hindi naman kaya nagaway sila ni Sarah? O baka naman nakita nyang kinuha ko yung bulaklak kay Klein? Naguguluhan ako sa inakto nya kanina. Ano ba 'yan!
"Aw! Ngayon lan-" Nangunot ang noo nya habang nakangisi, "Ah! Bessy. Masakit!" Inda nya habang umuupo sa upuan.
Binitawan ko na ang tenga nya at humalukipkip sa harap nya. Sya nakaupo at ako naman ay nakatayo. Bubugbugin ko talaga 'to si bes eh. Sinabi ng ayaw ko nung plano nila. Pero tinuloy pa rin talaga nila. Aish!
"Bes! Hindi mo ba napapansin? Nagwala sya kanina. Grabe, Nakakatakot pala sya magselos. Pero, Omg! Kinilig ako-Ahh!"
Binatukan ko nga ulit.
"Anong nagseselos? Eh imposibleng naman mangyari 'yon. May girlfriend na sya bes. May girlfriend na. Naiintindihan mo? Kaya tigil-tigilan nyo na nga ako! Naaalibadbaran ako sa inyo ni Klein. Nako! Magsama nga kayo. Kainis!"
Naglakad na ako paalis. Nababadtrip ako sa dalawang ito. Ang lalakas ng trip nila. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko? Eh may boyfriend na ako at isa pa may girlfriend na si Yuri. Imposibleng magselos pa sya, Tsaka isa pa, napatunayan ko na 'yon kaninang umaga. Sya na mismo nagsabi sa akin. Sya na mismo ang naglinaw sa akin. Kaya naman imposible na talagang mangyari pa 'yung balak ng dalawang 'to. Alam ko na yung plano nila. Ang pagselosin si Yuri. Yun ang plano ng dalawang 'to. Bwisit! As if naman, diba?
"Teka, Bes!" Sigaw nya at hinawakan ang braso ko.
"Ano?!" Iriradong sabi ko at binalingan sya ng tingin.
"Omg, Bagay nga kayo. Parehas kayong nakakatakot. Tsk! Magbestfriend nga kayo!" Humalakhak sya.
Nagbuntong hininga ako. Kalma lang, Krisha! Kalma lang. Pigilan mo ang sarili mo. Pigilan mo...
"PWEDE BA, TIGILAN NYO NGA AKO!" Sigaw ko sa kanya.
Ang sabi ko kalma eh. Aish! Nakakainis naman kasi eh. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko. Nasigawan ko pa tuloy si Bes, Eh kasi naman. Bwisit sila.
Pero imbis na matakot sya, Lalo pang tumawa ang isang 'to.
"Nakakatakot ka talaga. Pero di bagay sa'yo!" Halos mangiyak-ngiyak na sya sa kakatawa nya.
Naku! Kung hindi ko lang talaga bestfriend 'to si Mimi. Hay! Bwisit talaga.
"Ewan ko sa sa'yo, bes." Umirap na lang ako at tinalikuran sya. Lalabas na talaga ako dito sa gym na 'to.
"T-teka lang!" Hinila nya ulit ako.
"Ano na naman?"
Nagiwas sya ng tingin, "Upo na kasi tayo. Pagbigyan mo na ako. Tsaka, Hindi ka ba natutuwa, bes? Nagseselos pa sya. So it means, Mahal ka pa nya. Kaya pumayag ka na kasi."
Natigilan ako sa sinabi nya. Nagseselos ba talaga si Yuri? Nagseselos nga ba? Parang natuwa ako dun. Parang gusto ko ng pumayag. Parang...
"Ayoko!"
![](https://img.wattpad.com/cover/16980517-288-k438569.jpg)
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...