CHAPTER 54

99 0 0
                                    

ATTENTION.

Nagtaas ako ng tingin nang makita ko si Yuri na lumalapit sa akin. Halos lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. I can sense his anger. Halos marinig ko na ang bawat hakbang nyang papalapit ng papalapit sa akin.

Kinilabutan ako habang sinusundan ko sya ng tingin. Lumalakas ang pintig ng puso ko sa bawat titig na binibitawan nya. His eyes was full of fire. I don't know why.

"Oh, Damn..." Ani Storm habang sinusundan din ng tingin si Yuri.

Nagulat ako nang marahas nyang hinablot ang baso na hawak kong may laman na juice at agad na pinalipad ito sa ere. Ilang saglit lang ay nabasag ito.

Binalot kami ng katahimikan dito sa lamesa. Pati na rin ang mga taong nasa paligid namin.

He's making a scene. Nagulat din ang ibang bisita ni Klein dahil sa ginawa n'yang iyon. Lahat ng mata nila ay na kay Yuri. And it seems that he doesn't give a fuck at all.

"Ano bang ginagawa mo?!" Kunot ang noo ko.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang panga, Mukhang pinipigilan nya ang kanyang galit. Ang mata nyang namimilog at nanlilisik na kulang na lang ay makatusok ito sa sobrang talim. Kunot ang kanyang noo.

"Ikaw, Ano bang ginagawa mo?!" Galit na sabi nya sa akin.

Ngumisi ako. I'm doing nothing, Babe. I'm just trying to pissed you off and I know you already did.

"Stop making a scene, Dwayne. We're just having fun here. Birthday ni Klein, oh!" Aniya ko habang nakatingala sa kanya.

He's really really mad. Pero imbes na matakot ako ay natutuwa pa ako sa galit nya. I don't know why. Maybe because I know he still care.

Tumayo ako para pantayan sya, Nagtaas pa rin ako ng tingin dahil sa tangkad nya. hanggang dibdib nya lang ako. Dang! I really missed this scent though. Amoy na amoy ko ang mabango nyang katawan.

Napalunok ako ng hindi inaasahan. Naghuhuramentado ang puso ko habang tinitingala ko ang kanyang magandang mata. Nanginginig ang tuhod ko na parang isang marupok na bato. Isang tibag mo lang ay bibigay na.

"Oo nga, Pare. Hayaan mo na sya. She can take care of herself." Singit ni Andrew.

Hindi ko inalis ang titig sa kanyang mga mata. How I missed this moment. Yung magkalapitan kami. Yung titignan nya ako ng ganito kalapit. Everything in him. I really missed. Kitang kita ko pa ang pagkinang ng kanyang hikaw. He's really a hunk. Lalo syang gumwapo. Samahan pa ng mabango nyang amoy. Oh damn it! Hurricane you're making me insane.

"She can't." Mariin na sabi ni Yuri nang hindi pa rin tinatanggal ang titig nya sa akin.

Hindi ako sumagot. I can take care of my self. Hindi naman ako aatakihin ng allergy ko dahil hindi naman alak ang ininom ko. Apple juice ang binigay ni Klein sa akin kanina.

I know their plan. Gagalitin lang nila si Hurricane. Alam siguro nila na ganito ang mangyayari. Oh how genius they are. I must thank them for this. Atleast ngayon, alam ko na kung gaano sya nagaalala.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Natigilan din halos ang mga bisita ni Klein. Nagbubulungan sila at nagbibigay ng takang ekspresyon.

Kinakabahan ako sa inaakto ngayon ni Hurricane. Wala s'yang pakealam kung ano ang sabihin ng ibang tao sa kanya. Basta pag galit sya. Galit talaga sya at walang makakapigil sa kanya.

"She can't take care of herself...That's why you shouldn't gave her the goddamn liquor!" Bumaling sya kay Klein.

Nagtindigan ang balahibo ko sa kanyang titig kay Klein. Natatakot ako sa maaari nyang gawin. Hindi sya mapipigilan sa pwede nyang gawin. I know him. Baka sa isang iglap lang ay magkagulo dito. Ngunit may nagpapakalma pa rin sa akin dahil na rin alam kong kaibigan nya si Klein. At hindi nya kayang gawin ang iniisip ko. Sana nga!

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon