CHAPTER 63

114 3 1
                                        

KUYA!

Lumakas ang hangin sa paligid kaya lalong tumaas ang mga balahibo ko sa braso. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Wala akong ibang marinig kundi ang mga kaluskos ng dahon sa puno. Kuliglig ng insekto at ang tibok ng puso ko! Lumunok ako mg maraming beses. Ni hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ganun pa rin ang puwesto namin. Ang kanyang noo at ang akin ay magkadikit pa rin. Nakapikit lang siya. Samantalang ako ay dilat na dilat. Kitang kita ko ang pilikmata niya na parang effortless ang haba. Halos magdikit na ang ilong namin. Naamoy ko na din ang hininga niya. Kahit na amoy alak ito ay hindi pa rin nawawala ang bango.

Kinagat ko ng mariin ang labi ko. SHIT!

Kahit na hirap na hirap akong magsalita dahil sa lakas ng tibok ng puso ko at nanginginig ang buong kalamnan ko ay sinubukan ko pa rin magpaliwanag.

"K-kailangan ko pa sana ng konting panahon para makausap ko si S-steven..."

"Uhuh..." Aniya na para bang hinihintay ang idudugtong ko.

Hinaplos niya pababa-taas ang baywang ko. Nanginginig na ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang kalakas ang epekto niya sa akin. Nakaramdam ako ng kuriyenteng dumaloy sa leeg ko dahil sa haplos na ginagawa niya.

"A-ano... E-eh kasi hindi naman ganun kadali. M-masasaktan ko siya kaya..." Pumikit ako ng mariin sa haplos niya. "G-gusto ko sanang unti-untiin. A-ayoko siyang biglain. Kauuwi niya lang kasi galing Australia-"

Natigilan at napadilat ako nang tumigil ang kamay niya sa baywang ko. Nagsalita siya.

"3 days... Ang sabi mo tatlong araw, So, I've waited for that three damn days. Kahit na ayoko. Hindi naman sa minamadali kita pero..." Dumilat siya at nilayo ang ulo niya sa akin.

"Nung nakita kong niyakap at hinalikan ka niya sa harap ko..." Umiling siya at ngumisi.

Hinaplos niya ang labi ko gamit ang isang kamay niya. Ang isa naman ay nakapirmi pa rin sa baywang ko. Lumunok muli ako at pinagmasdan ang mukha niya. May bahid na lungkot sa mga mata niya. Para bang hindi niya masabi sa akin kung gaano siya nasaktan. Kaya 'yun na lang ang ginawa niya.

"Hindi mo alam kung gaano ako nagmukhang tanga nitong nakaraang araw. Lagi kitang sinusundan. Wherever you go or whatever you do. I make it sure na bawat galaw mo ay alam ko... I always make sure kung kumain ka na ba, kung nakauwi ka na ba... Or what so ever. Hindi mo alam yun kasi sabi mo ayaw mo munang makita at makausap ako. But... I'm so damn crazy about you, Krisha."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Is he really serious? Sinundan niya ako kahit saan ako magpunta? Kaya pala ganun na lang ang nararamdaman ko nitong nakaraang araw.

Pakiramdam ko kasi na parang may sumusunod sa akin pero hindi ko maisip na kayang gawin ni Yuri ang bagay na 'yun kaya binabalewala ko lang.

"I always check on you. Gabi-gabi para akong tanga na tinititigan ang cellphone ko, hoping that you would call or even text me. Pero wala eh. Yes, I'm that crazy. And I really don't know why.." Ngumisi siya at umiling na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi niya.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Hindi ko na maintindihan. Ang tanging alam ko lang ngayon ay ang malakas na tibok ng puso ko.

"Binaliw mo ako ng tatlong araw." Tumawa siya pero bakas pa rin ang tabang sa boses niya. "Tapos makikita ko na lang na hahalikan ka niya ng ganun-ganun na lang? Nakaka-gago lang, diba?" Binitawan niya ang pisngi ko at tumalikod sa akin.

Bahagya siyang lumayo. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa kanyang magkabilag bulsa.

"Pero anong gagawin ko? You're not even mine. Sa'yo ako, pero... Ikaw? I'm not even sure about it because he's around." May bahid ng tabang na sabi niya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon