CHAPTER 31

262 2 0
                                    

YOU ARE ALL MINE.

"Here." Inabot nya sa akin ang isang large bottle ng mogu-mogu at ang isang plastic ng donut. Binili nya kanina bago kami makarating dito.

Kinuha ko sa kanya at nilapag ko sa tabi ang mogu mogu. Tumabi sya sa akin. Nandito nga pala kami ngayon sa park. Nandito sa seaside. Watching the sunset. Ang taray, diba? HAHA!

Kanina ko pa talaga sya hindi maintindihan eh, Yung pinagsasabi nya kanina. Yung no one chuchu whatsoever na 'yon. Nababaliw na naman kasi 'tong lalaking 'to. HAY! Ngayon naman dinala nya ko dito sa park. So hindi talaga ako nakapasok sa klase ko. Ang galing, diba?

Tinignan ko sya, Diretso lang ang tingin nya sa kawalan. Kitang kita ko ang sideview ng gwapo nyang mukha. Ang tangos ng kanyang ilong, Ang manipis at mamula-mula nyang labi, Pati na rin ang mata nya na kumikinang dahil sa repleksyon ng araw. Seryosong seryoso sya.

Naisip ko, Ang ganitong lalaki pala naiwan na din ng taong mahal nila? Kahit na ganitong itsura nya, nasasaktan pa rin pala. He's has a damn godlike face, Honestly. Akala ko noon isa lang syang magiting na manloloko. Na isa lang syang lalaking magaling manakit ng puso ng isang babae. Pero sa lahat ng 'yon ay may dahilan, dahil iniwan sya. Naiwan sya ng taong mahal nya. Mali yung ginawa nya, yung pinaglaruan ang mga babae. Pero hindi rin sya masisisi dahil nagmahal lang sya. Yun nga lang gumanti sya. I mean, dahil nasaktan sya, nanakit din sya ng iba. Mali 'yon. Alam ko.

Sa tingin ko, kahit naman na ganito sya. Yung pagiging bossy nya, possessive at yung pagiging weird nya, Kahit na ganun sya, ay may puso sya. Mabait si dwayne. Yun nga lang minsan may pagkamukhang mamamatay tao. HAHA. Pero seryoso, May ibang side sya na mabait.

Minsan nga naisip ko, bakit kaya sya iniwan ng babaeng 'yun? Bakit sya pinabayaan? Hindi ko alam ang tunay na dahilan. Siguro nga mahal na mahal nya yung babaeng 'yon. Aish! Pag naiisip ko, nakakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit kaya ganito 'no? Sa tuwing nandyan sya nararamdaman ko yung dwayne disease. Yung abnormal na tibok ng puso ko tuwing nandyan sya. Hay! Hindi ko alam, kinukulam ata ako ne'to ni dwayne.

Naalala ko na naman yung sinabi ni hyuri sa akin kanina.

"Bakit ka pa naghihintay sa isang taong matagal nang nawala? Sinasayang mo lang ang panahon. Just give youself a break. Hayaan mo naman maging masaya ka. Hindi yung naghihintay ka sa wala! Naghihintay ka sa isang taong hindi mo naman alam kung nasaan."

Kumikirot ang puso ko tuwing naaalala ko 'yon. Kailan ba ako huling naging masaya? Hindi yung masaya sa kaibigan o sa pamilya. Yung maging masaya sa taong mahal mo? Hindi ko na kasi nararamdaman yun ngayon eh. Huli kong naramdaman yun nung nakilala ko si yuri. Siya lang kasi nagpasaya sa akin ng ganun. Hay! Masakit isiping hindi na sya babalik. Masakit isiping umaasa pa rin pala ako sa wala. Wala nga ba? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ngayon, hinihintay ko pa rin sya. Mahal ko si yuri. Mahal ko sya, Sobra. Na kaya kong itaboy lahat ng lalaking dumadating sa buhay ko para lang sa kanya. Dahil sya lang ang gusto ko. Sya lang ang mahal ko. Hanggang kailan kaya ako maghihintay? Forever na ba 'to? God! Wag naman po oh. Pabalikin nyo na sya sa akin. Please naman po.

"Krisha?"

The voice I heard is enough to take me back into the reality. Nakatingin na pala sya sa akin ngayon. Ang ganda ng mga mata nya. Hindi ko alam kung kailan ako huling nakakita ng ganito. Pero gustong gusto kong laging makita 'to.

"Hmm?" I bit my lower lip and I looked away. Tumingin na lang ako sa araw na pababa.

"Can I ask you a question?" Mahinang boses lang ang lumabas sa bibig nya.

"What?"

Matagal sya bago magsalita. Huminga sya ng malalim.

"Nagkaboyfriend ka na ba?" Ang cold ng boses nya.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon