CHAPTER 61

119 1 1
                                    

I WON'T.

Nagulat ako paglabas ko ng CR. Akala ko kasi si Steven ang tumawag sa akin. Pero nagkamali ako.

"Khyle?!" Tinitigan ko siyang maigi. To make it sure na siya nga.

Mas tumangkad siya ngayon at talagang sobrang laki ng pinagbago niya. Mas lalong tumingkad ang balat niya at ang katawan niya ay mas lalong nagfirm at kumisig. Dikit sa suot niyang white na longsleeve. Clean cut na ang buhok niya at mas naging matured siya. Hindi ko inakalang mas ga-gwapo pa siya ngayon.

"Ako nga." Ngumisi siya. Medyo namula ang siya dahil mukhang nahiya pa.

Gaya ng dati. Siya pa rin talaga ang Khyle na nakilala ko. Mahiyain pa rin.

"A-anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit mo ako tinawag?" Tanong ko.

Sumulyap ako sa puwesto namin ni Steven at napansin na wala siya doon.

"Uh... I actually work here..." Napakamot siya sa ulo. "Sorry, Nakita kasi kita kanina. Sinundan lang kita kaso nasa CR ka pala." Aniya at sumulyap din sa tinitignan ko. "May kasama ka ba?"

Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Yung fiancé mo ba?" Ngumisi siya, "Si... Dwayne ba 'yun?" Tumaas ang kilay niya na parang hindi pa sigurado sa pangalan na sinabi n'ya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Oo nga pala't ang huling kita namin ay yung magkasama kami ni Yuri doon sa convinient Store. Noon sinabi ni Yuri na siya ang fiancé ko.

Sa itsura palang ni Khyle ay alam kong sarkastiko lang iyon dahil hindi naman siya naniwalang engaged na ako nun.

Umiling ako, "Hindi..." Tumingin ulit ako sa puwesto namin pero wala pa rin siya doon.

Nasaan si Steven?

"Sino?"

"Uhh... Boyfriend ko." Sagot ko. "Sandali lang ha. Hanapin ko lang. Nawawala kasi eh."

Hindi ko na hinintay ang sinabi ni Khyle. Umalis na agad ako at pumunta sa puwesto namin. Nagpalinga-linga ako para hanapin siya. Pero wala akong ibang nakita kundi ang isang pirasong rose na nakapatong sa lamesa ko.

Kinuha ko ito. Binasa ko ang note na nakalagay. 'I love you, Krisha.' Nag init agad ang pisngi ko nang mabasa ko 'to.

Maya-maya ay may lumapit na waiter sa akin. "Uhmm... Miss Krisha."

Tumingin ako sa waiter at may inabot na isa pang bulaklak. Kinuha ko ito na may halong pagtataka.

"May nagpapabigay po." Saad nung waiter.

"Sino?" Tanong ko kahit na may hinala na ako kung sino.

"Uh... Malalaman niyo lang daw po maya-maya." Aniya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang umalis 'yung waiter. Aba't! Bastusin? Luminga-linga ulit ako para hanapin si Steven. Pero wala pa rin siya.

Tinignan ko ulit ang bulaklak na bigay. May note na naman. 'Happy monthsary.'

Napangiti na lang ako. Si Steven nga ang nagbigay nito. Pero bigla kong naalalang problema na naman pala ito. Kaya napalitan agad ng simangot ang mukha ko.

Masyado na siyang nageeffort para sa akin. Mali 'to. Lalo akong nakokonsensya kung ipagpapatuloy niya ang pagpapakita ng sweetness sa akin. He's trying to make me feel special pero hindi tama 'to. I shouldn't deserve this. I don't deserve his sweetness, His kindness to me.

Hindi ako nararapat sa isang tulad niya. Oo minahal ko si Steven pero hindi sapat ang pagmamahal na 'yun para sa kanya. I mean, Ang pagmamahal ko sa kanya ay parang isang kaibigan lang talaga. (sinubukan kong higitan 'yun pero wala talaga eh.) At hindi yun sapat kumpara sa binibigay niya sa akin. Dahil ang pagmamahal niya sa akin ay sobra-sobra na hindi ko kayang pantayan.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon