CHAPTER 5

264 1 0
                                    

MR. PLAY BOY.

"HAAAAAYY!" Hikab ko habang tinataas ko pa ang dalawang kamay ko.

Naglalakad ako papuntang classroom, para doon muna maghintay. Maaga kasi ako pumasok ngayon. Halos isang oras pa bago mag start ang first subject. Marami na ring studyanteng nag gagala dito sa SCU.

Natatakot ako, Kasi naman baka may kung ano nang gawin sakin yung mga may sapot sa utak. IBIG na bading. Argh! Bwisit kasi eh. Habang naglalakad ako, may biglang humarang sa akin na tatlong babae. Ayan na, Ayan na! Baka ito na yun.

"Bakit? Anong problema nyo?" Takot kong tanong pero hindi ko pinapahalata.

"So totoo ba na dine-date mo si Steven buenaventura?" Sabay taas ng kilay.

Kumunot ang noo ko, "Ha??" Nabigla ako sa tanong nila. Akala ko naman kasi dahil kay dwayne yung pinunta nila dito. "Hindi noh! Tsaka ano bang iniiyak nyo jan?" Pangaasar ko sa kanila. May gana pa kong mangasar diba? HAHA! Sorry. Badmood eh.

Nabwisit yung itsura nila, Nanlaki ang mga mata. "Argh! You bitch! Layuan mo si steven kung ayaw mong mapahamak!" Sabay kapit nya sa buhok ko. Aba't sumusobra na to ah? Sa lahat ng ayaw ko yung hinahawakan yung buhok ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga buhok ko! Wala kang karapatang utusan ako!" Sigaw ko sa kanya. Habang hawak nya ng mahigpit ang buhok ko.

Bwisit! Ano ba tong mga hipon na to. Kung maka asta kala mo boyfriend nila si steven. Habang Binabantaan nya ako, may narinig akong boses ng lalaki mula sa likod ko.

"Hey hey! What's the problem here?" Sabi nya.

Nanlaki ang mata nung mga babae na parang nagulat sa lalaking dumating. Sabay bitaw ng babaeng sa buhok ko.

"Ah, Eh Prince.." Sabi nung sumabunot sa akin. Parang di sya mapakali, Parang natatakot. Teka? Prince??? Lumingon ako para makita kung sino yung lalaking yun.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong nakatayo sa harap ko, "D-dwayne?!" Gulat na gulat ako. Whaa, Ayan na! Yari na ko. Huhu, Lord kayo na bahala sa akin. Gusto ko pa pong mabuhay.

"Hey! Don't you dare to call him dwayne! Ang kapal mo! He's prince dwayne not dwayne!!!" singit nung impaktang babae na sumabunot sakin.

At kailan pa diniklara na kailangan may prince ang bawat pangalan nila? Tss. Mayaman sila pero required ba yun? Arte ah.

Akmang sasampalin nya ako dahil tumaas ang kanang kamay nya, Napapikit ako dahil akala ko lalapat ang palad nya sa pisngi ko.

*PAK*

Nagtaka ako dahil wala akong naramdamang lumapat na palad sa pisngi ko, pero may narinig akong sampal, Pagkadilat ko, Nakita ko ang malapad at makisig na likod ni dwayne. Nanlaki ang mata ko, Humarang ba sya? Sya yung nasampal? Tinignan ko yung babae na nasa harapan nya.

Nanlaki ang mata nito, Nakanganga at parang nanigas na lang sa gulat.

"P-prince?" Nauutal nyang sabi.

Tumingin si dwayne sa kanya, Galit? Masama ang tingin dun sa babae. Nanlilisik. Mabilis ang paghinga nya. Nagkuyom ang mga kamao. Hala, Nakakatakot sya.

"GET YOUR FUCKING FACE OUT OF HERE!" Galit na galit nyang utos sa babae. Halos manginig yung babae, at di na makagalaw. Hinila na lang sya nung dalawa nyang kasama at tumakbo paalis.

Tuluyan ng umalis ang mga babae, Agad naman syang umikot sa akin. Hala? Lord! Tulungan nyo po ako. Halos manginig ang binti at tuhod ko sa takot, Nakatitig sya sakin. Hindi ko sya matignan ng diretso sa takot at kababg nararamdaman ko. Ang tangkad nya, Ang laki ng katawan nya. Ano ba to. Mukhang mababali ang buto ko dito ah. Hindi! Hindi pwede, Hindi ako magpapahalatang natatakot.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon