COMPLETE!
Tulala ako nang matapos na ang klase namin. Kasi naman nakita ko na naman si Yuri na kasama yung Sarah na 'yun. At shet lang bakit naman kasi ang Sweet nila tuwing nakikita ko sila? Ang hard naman, diba?
Tapos ngayon nautusan pa ako ng prof namin. Nakakabadtrip lang. Aish! Pupunta kasi ako ngayon sa office eh. Inutusan ako na ipadala 'tong papers na 'to. Ang dami dami pa. Naglalakad ako sa hallway, Medyo konti lang kasi ang tao dahil ewan ko. Tingin ko kasi class hour pa rin. Pero syempre wala rin naman tumatambay malapit sa Office. Kadalasan dun sila sa open area o kaya naman sa canteen. Kaya naman ako eto. Malayang naglalakad. Pero kasi naman ang daming papel na dala ko. Badtrip lang kasi yung terror kong prof. Ako pa ang napagdiskitahan.
Habang naglalakad ako ay biglang may
tumakbo pasalubong sa akin. At sa sobrang pagmamadali nya, Nasanggi nya ako. Kaya naman nagkalat yung mga papel na hawak ko. Oh great!
Ni hindi man lang ako tinulungan nung nakabangga sa akin, Dirediretso pa rin. Kahit lingonin nya pa ako ay wala din.
"Salamat ha!" Sarkastikong sigaw ko. Bwisit kasi eh. Hindi man lang humingi ng tawad. Di pa ako tinulungan. Bwisit talaga!
Habang pinupulot ko yung mga papel, Ay may narinig akong mga nagkakantyawan sa likod ko kaya naman napalingon ako.
"Dali na. Ayan na sya pre oh! Tulungan mo na." Sabi nung lalake tapos tinutulak nya pa yung isa.
Apat sila eh. So yung isa, Tinutulak nila palapit sa akin.
"Ayan na sya, dali na. Tulungan mo na kasi."Sabi naman nung isa.
Ayos 'to ha. Ang daming gentleman sa mundo, Grabe. Hindi man lang talaga nila ako tinutulungan. Kailangan pa makipagtulakan eh.
"Pormahan mo na kasi. Ayan nakatingin na." Saad nung isa pang lalaki.
Humarap ako ng maayos sa kanila. Kasi naman diba, Parang hirap na hirap silang lumapit sa akin, Eh hindi naman ako nangangain.
"Bakit?" Tanong ko. Nakaupo pa rin ako, Kasi naman ang kalat na nung mga papel. Nag-liparan pa.
Umayos na ng pagkakatayo yung lalaking tinulak nila at lumakad ng konti sa akin. Kumakamot pa sya sa ulo nya, Pulang pula pa yung pisngi nya. Halatang nahihiya. Tapos tumulong sya sa pagpupulot ng papel.
"H-hi, K-krisha...A-ano kasi.."
Ngumiti ako, "Ano yun?" Tapos tumayo na ako. Tapos ko na kasing pulutin yung mga papel.
"P-pwede bang makipagki-ki-kilala..." Tapos inabot nya sa akin yung papel na hawak nya. Kinuha ko naman.
Natawa ako dun sa sinabi nya. Kasi naman halos lunukin nya na yung dila nya sa sobrang pagkakautal. Magsasalita pa sana ako nang bigla may nagsalita sa likod ko.
"Sinong may sabing pwede kayong makipagkilala sa kanya?"
Napatalon ako sa boses na narinig ko. Alam ko kung kanino galing yun. Alam na alam ko kung sino 'yun. At alam na alam ko ang amoy na naaamoy ko ngayon. Shit! Namimiss ko na sya.
Lumingon ako para makita sya. Nakatuon lang ang mata nya sa mga lalaki. Di ko nga maintindihan ng tingin nya ngayon. Ang cold lang. Pero syempre natutuwa ako. Natutuwa ako kasi nandito sya.
"A-ah...D-dwayne. Joke lang yun, Sige a-a-alis na kami." Tapos dali daling tumakbo yung mga lalake. Nagkanda-dapa dapa na nga sila sa sobrang pagmamadali.
Tapos nun ay tumingin sya sa akin gamit ang blangkong ekspresyon. Tapos, "Tss." Aniya sabay lakad paalis.
"H-hoy! Yuri!" Sigaw ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...