PROMISE.
Nandito na kami ngayon sa subject namin, physics kami ngayon. Nakakatamad. Hindi ako naka focus sa lecture namin kasi napapa isip ako kay Yuri.
*flashback*
Lumapit sa akin si yuri ng umiiyak.
"Yvonne" tawag nya sakin habang patuloy pa rin sya sa pagiyak.
Tiningnan ko syang maigi. Bakit sya umiiyak?
"Bakit Yuri? Bakit ka umiiyak? May sugat ka ba? Ano meron?" pag.aalala ko dahil hindi pa din sya tumitigil sa paghikbi.
"Ah-hmmm" Hindi sya makapagsalita ng maayos kakaiyak nya. Panay ang tulo ng mga luha nya sa mata.
"Bakit yuri? Naman eh! Ayaw mo sabihin." Hinawakan ko ang magkabilang braso nya.
"A-Aalis n-na kami." mahina nyang sabi habang humihikbi pa din.
Halos buhusan ng malamig na tubig ang buong katawan ko. Nagulat ako sa sinabi nya. Aalis? Saan sya pupunta? Anong ibig nyang sabihin?
"H-Ha? Aalis ka? San ka pupunta?" tanong ko habang may namumuo nang luha sa mga mata.
"Lilipat na kami sa manila." Tipid nyang sagot.
"Bakit? Hindi ba kayo masaya dito?" patuloy na ang pag tulo ng luha ko sa mga mata ko.
"Di ko alam. Sabi ni mommy kailangan daw namin lumipat dun. Di na nya sinabi kung bakit kasi di ko pa daw maiintindihan" hagulgol nyang pag.iyak
Bakit? Ano ba 'to? Hindi ko sya maintindihan. Bakit wala man lang rason. Bakit? Parang hinihiwa ang puso ko. Ang sakit. Masakit sa akin 'to. Masakit iwanan ng taong minamahal.
"B-bakit? Iiwan mo na ako?"
Matagal sya bago makasagot. "Hindi, Kailangan lang talaga."
"P-pero..." Yumuko ako kasi tulo ng tulo yung luha ko.
Bakit ganun? Hindi ko talaga maintindihan. Ayokong iwanan nya ko. Ayokong magkahiwalay kami. Sabi nya hindi nya ko iiwan pero ano 'to? Bakit iiwan na nya ko?
"Don't worry, I won't forget you. Ever. Magkahiwalay man tayo, I will never, Ever forget my feelings for you, Yvonne." Seryosong sabi nya.
Tumingin ako sa kanya. Feelings? What does he mean? Anong sinabi nya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Yvonne, I love you, Matagal na." Bakas sa mata nya ang sincerity. Yung mata nyang namumula dahil sa pagiyak.
Mahal nya ako? Mahal ko din sya. Matagal ko na syang mahal. Pero hindi pa pwede, Masyado pa kaming bata. It's just that I feel na more than friends 'tong nararamdaman ko. Crush ko sya dati pa. I want him to be with me forever.
"Yuri. Mahal din kita." Sambit ko, Medyo nahihiya pa ko na aminin 'to. Pero I think this is the last chance para malaman nya yung nararamdaman ko.
Kahit na lagi kaming nagaasaran nito. Honeslty, I fell inlove with him.
Ngumiti sya pero bakas pa rin yung luha sa mata nya. "Pero bawal pa right?" Nakangiting sabi nya.
Tumango ako kasi wala na ako masabi, Alam ko kasing bawal pa talaga. Una bestfriend ko sya, Pangalawa bata pa kami. And besides wala pa kami alam sa mga ganung bagay. Sadyang yun lang ang nararamdaman ko. More than bestfriends. :(
"Wag ka mag.alala." Sambit nya sabay niyakap nya ako.
Hindi ko sya magantihan ng yakap. Dahil iyak ako ng iyak.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
