LET ME GO.
"Dalian mo bessy! Baka malate na tayo!!" Aniya mimi habang kinakaladkad ako dito sa campus.
"Teka nga, sandali! Ikaw kaya mag suot ng heals, Tapos tumakbo ka? Ewan ko lang kung hindi gumewang yang binti mo?! Pag ako natapilok, naku talaga! Sanda-li"
Panay ang hila nya sa akin. Bwisit naman kasi na heals 'to oh. Kay aga aga binibwisit ang binti ko. Walangya! Pakiramdam ko may gulong tong suot ko. Kasi naman si Mitch, Hindi ko maintindihan ang trip. Pinapapasok lang ako kailangan naka heals pa. Palibhasa sila sanay mag heals. Eh ako? Para tuloy akong tuod maglakad. Este tumakbo pala. Nakakaloka!
Jusko naman kasi 'to si bes. Hinihila pa rin ako. Ang aga aga pa kaya, Paanong male-late? Halos isang oras pa yata bago yung klase namin. Kung makareact naman. Tss.
Oo nga pala, First day ng Second sem ngayon. Masaya akong nakasama ang mga pinsan kong may saltik. Jusko, mga abnormal pala 'yon. Ang lalakas ng tama. Lalo na si Brent. LOL. Pero masaya sila maka-bonding. Hay! Halos dalawang linggo ko din sila nakasama.
Mamaya ata ang alis nila pabalik sa US. Babalik sila dito sa Pasko or sa New year. Hay! Nakakalungkot naman. Pero okay lang atleast babalik sila.
Si Thea ata maiiwan at si hmm...Mj? Ang sabi kasi eh may gagawin pa daw sya dito at susunod na lang daw? Tss. If I we're know makikipag date lang 'yon kay bes. Well, Hindi ko pa rin sure ang something nilang dalawa, Baka mamaya ko na lang itanong.
And the Baby Axi na sinasabi pala ni Mitch...Is my pamangkin sa pinsan! Omo. Ang cute cute nung Baby na 'yon! Nakausap ko sya through skype. Anak sya ni Ate Donnalyn. Sayang lang at hindi sila nakapunta nung bakasyon. Pero baka sumama sila sa pag balikd dito sa Pasko or Newyear.
Si Dwayne pala ang nagsundo sa akin kanina sa bahay. Hay! Namiss ko na yung panget na 'yon. Nawala na sya sa landas ko ngayon eh, IKAW KAYA KALADKARIN NG BESTFRIEND MO?! Ayun, Sabi ko rin kasi sa kanya na wag nga ipahalatang nanliligaw sya dito sa campus. Aba baka sungalngalin ko sya. Kakawawain pa ako ng mga bwisit nyang fan girl noh! Mabuti na nga lang at kinaladkad ako ng BWISIT na 'to. Ayaw din kasi mahiwalay sakin nung bading na 'yun kanina. Tss. Kala mo naman mamamatay kapag wala ako.
Si Steven naman. Hmmm...Ewan ko ba? Hindi ko na nakausap eh. Hindi nga nagpaparamdam ngayon. Di ko pa sya nakikita anywhere. Pero Aish! Sana naman hindi nya totohanin yung ligaw thing. Pero if ever. Aamin ako sa kanya. Ayoko na kasi sya paasahin. Hay! Iniisip ko pa lang na sasabihin ko 'yun. Nasasaktan na ako para sa kanya. Hay! Pero ano magagawa ko? Kesa naman patagalin ko pa, diba? Sabi nga ni Tita Daphnie, It's better to be SAFE than SORRY. Ano nga ba sabihin nyan? Di ko rin alam eh. Walangya! Naguutak ipis na ako ha?! Basta ang alam ko, magpapakatotoo ako kesa naman makasakit pa ako ng tao. BOOM! Bwisit ganun din yun eh. Makakasakit din talaga ako. Sa ayaw at sa ayaw ko.
"Ang bagal bagal mo naman eh. Para kang Retarded Senior Citizen maglakad. Pilay ka ba?!" Sigaw nya sa akin.
Kinakaladkad nya pa rin ako kung saan. Hay! Ang sakit na ng tuhod ko ha! Kung pwede lang mag paa dito sa campus eh. Nakakainis. Parang sumobra yata ang laki ng school namin at ang sakit sakit na ng paa ko. Leche! Ayoko na maglakad mamaya.
Sabihin pa ni'tong babaeng 'tong para akong Retarded? Aba! Sya kaya pasuotin ko ng heals tapos kaladkarin ng mabilis? Ewan ko na lang.
"Eh kung isalaksak ko kaya sa bibig mo 'tong pumps na 'to? Tignan natin kung hindi ka maging Retarded Senior Citizen? Wag mo kasi akong hilain. Ikaw pipilayan ko d'yan eh."
Tumawa sya, "Wag na bes, Busog na ako. Ikaw na lang kumain ng Pumps mo! Tutal sa'yo naman yan eh."
Hay! Nako talaga. ANG SAKIT NA NG PAA KO!!!

BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomansaHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...