CHAPTER 16

275 1 0
                                    

POSSESSIVE.

Napakahimbing ng tulog ko ngayon, Ang sarap matulog dahil sa lamig ng pakiramdam. Ang sarap talaga matulog kapag nandito ka na sa kwarto mo. Kaysa dun sa hospital. Mahirap matulog dun e. Pero ngayon masarap talaga ang tulog ko.

Naalala ko tuloy yung mga panahong masaya akong kasama ang bestfriend kong si yuri.

"Ayoko! Gusto ko buhatin mo ako!" Sabi ko kay yuri na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatayo sa harapan ko.

Kanina pa kasi nya ako niyayayang mag swimming. Kasama kasi sya sa outing namin. Family outing. Pinilit ko kasi sila mommy na isama sya. Ang sabi ko, Hindi ako sasama hangga't hindi kasama si yuri ko. So ayun, Sinama nila si yuri. Eh ang kaso, Hindi ako marunong mag swimming kaya ayokong sumama sa kanya. Nagiinarte ako dito na nakaupo sa cottage.

"Sige na! Mabigat ka kaya. Ang taba mo eh. Tumayo ka na dyan." Hinihigit nya ang braso ko pero ayoko talagang sumama. Ayokong sabihin sa kanya na hindi ako marunong mag swimming. Aasarin nya lang ako. Kaya sabi ko buhatin nya muna ako. Alam ko naman na hindi nya magagawa 'yon e. HAHA.

"Bahala ka dyan." Inirapan ko sya. Pilit nyang hinihigit ang kamay ko. Pero patuloy kong binabawi sa kanya.

Tumigil sya sa paghila, Ngumisi sya sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa pag ngisi nya. "Hindi ka marunong lumangoy 'no?" Yung tono ng boses nya na nangaasar. Humalakhak sya ng napakalakas.

Nakakainis, Nalaman nya tuloy. Sabi sa inyo e. Aasarin lang ako ng pangit na 'to. Inirapan ko sya. "Ewan ko sayo!"

"Good Morning bessy!"

Teka ano yun? Bakit may boses na iba? Saan galing 'yung boses na 'yun?

"Tuturuan kita wag kang magalala! Kaya halika na." Hinigit na naman nya ang braso ko. Ayoko talagang sumama sa kanya.

"Ayoko nga!" Inis na inis akong binabawi sa kanya ang kamay ko. Masyado syang malakas. Pero bahala sya. Ayoko talaga.

Tawa sya ng tawa habang pilit na hinihila ang kamay ko. Nakakatuwa tuloy yung mga mata nya. Ang ganda. Those perfect twinkling black eyes. Sa buong mukha nya. Ang mata nya ang pinaka paborito ko sa kanya. I found it very attractive. Para bang his eyes contains a thousand words. Ngayon nakikita ko ang mga mata nyang tuwang tuwa.

"Bessy!!!"

Ano ba 'yun? Ang ingay naman! Ang sakit sa tenga. Aish!

"Tuturuan nga kita eh." Sigaw nya sa akin. Nakataas pa ang isang kilay nya.

I rolled my eyes, Binawi ko ang kamay ko at tumayo sa upuan. I raised and stretched my both hands "Buhatin mo muna ako dali."

Namilog ang mga magandang mata nya, Napanganga pa syang nakatingala sa akin.

"Ang bigat mo kasi e. Sige na nga!" Tumalikod sya na dumikit sa akin. Agad akong sumampa sa likod nya. Yung parang nag hohorse back riding. Ang saya. HAHA.

"Wiiii-" Sigaw ko habang tumatakbo sya papunta sa may pool.

"Wag kang malikot!" Sigaw nya sa akin na parang naiinis at nahihirapan sa pagbuhat sa akin. HAHA. Bahala sya dyan. Mapilit sya e.

"Beees!!!"

Ayan na naman? Boses yun ni mimi ah? Bakit parang naririnig ko sya? Unting uniting nawala ang mga imahe na naglalaro sa isipan ko. Yung buhat buhat ako ni yuri ay biglang nawala.

"Bessy!"

Ayan na naman ang maingay na boses! Tinakpan ko ng unan ang tenga ko. Ang ingay kasi eh. Ang sakit sa tenga.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon