IT'S A MIRACLE
Song: Close to you - Sam Milby
--
Kakatapos ko lang i-take ang last na exam ko. Salamat naman ay kahit papano ay nairaos ko ng matiwasay iyon. Jusko, Tinawag ko na ata lahat ng super hero at santo para lang masagutan lahat 'yon. Pakiramdam ko natanggal lahat ng turnilyo ko sa utak. Shet!
Last day ko na 'to! At salamat naman ay makakauwi na ako sa aking mga magulang! Ang saya lang. Syempre sem break eh. Ngayon ko na lang ulit sila makikita. Wala eh. Talk shit si mommy. Sabi pupunta dito, hindi naman. HAHA! Joke. Kahit ganun 'yon Love ko yun.
Kakalabas ko lang ngayon ng classroom ko. Mas nauna ako kay bes na matapos. Lagi naman eh. Matagal kasi sya magsagot. Ewan ko ba dun. Dinadasalan pa yata yung test paper nya.
Nandito ako ngayon sa railing. As always, Hinihintay ko si mimi. Nasaan na kaya si dwayne. Sabi pupunta ng maaga. Hanggang ngayon wala pa rin.
Tinignan ko yung cellphone ko, kahit isa walang text. Si steven naman hindi ko alam, Hindi na rin kasi nagreply kanina. Ay! Bahala nga sila sa buhay nila. Pati tuloy iyon pinoproblema ko pa.
Tumingin na lang ako sa field kung saan ay maraming estudyanteng naglalakad. Nag chichismisan at kung ano ano pa. Hinahanap ko rin baka dumating na yung sasakyan nya eh. Malay mo makita ko dito, diba?
Galit siguro si dwayne sa'kin. Tss, Bahala sya. Kapag wala sya dito, ako na lang talaga magisa. Hindi naman ako magpapasama kay steven. Biro lang kasi 'yon. Mongoloid kasi si dwayne, sineryoso. Ayun, Nagalit. Haha. Hayaan ko na nga lang yung bading na yun.
"Krisha..."
Napalingon naman ako sa lalaking tumabi sa akin. Nakapatong ang siko namin sa railings habang pinagmamasdan ang field. Diretso ang tingin nya. Seryosong seryoso.
"Hmm, Bakit kian?" Tanong ko.
Nasaan kaya yung ibang kaibigan namin? Wala kasi sila dito. Magisa lang sya.
"Kamusta ka na? Nabalitaan ko yung nangyari sa'yo." Seryosong sabi nya ng hindi ako tinitignan. Nagmamasid lang sya sa mga taong sa paligid ng field.
"Ah, ganun ba? Okay lang naman ako."
Sinulyapan nya ako ng tingin. Seryoso ang mga mata nya. Mapupungay at mahaba ang pilik'mata.
"Kamusta si hurricane?" Tanong nya.
"Hmm, I'm not sure about the details pero ang sabi may fracture daw sa mukha at ribs nya." Paliwanag ko.
Tumango sya at nag pout. Nagiwas ulit sya ng tingin.
"Naalala mo pa yung sinabi ko sa'yo kahapon?"
Oo, naaalala ko 'yun. Dahil dun sa sinabi nya, nagpaulit ulit yun sa utak ko. Sinabi nyang wag akong mag tiwala agad kahit kanino. Pati kay hurricane.
"Oo."
Humugot sya ng malalim na hininga at nagsalita.
"I know him, krisha..."
Nagtaka ako nung una nyang sinabi, Sino yun? pero napagtanto ko na si hurricane ang tinutukoy nya. Hinintay ko ulit na dugtungan nya ang sasabihin nya.
"He was my bestfriend..."
Bestfriend? Si hurricane? Bestfriend nya? Eh bakit ganun? Yung una silang nagkita para bang hindi sila magkakilala. I mean, Mukha silang strager sa isa't isa.
"Before."
Napataas naman ang kilay ko. "Huh?"
Ngumisi sya ngunit bakas pa rin sa mukha nya ang lungkot.
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
CintaHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...
