CHAPTER 25

273 2 0
                                        

I'M MAD AT HIM.

"Hi..."

Nagulat kami ng biglang may nagsalita mula sa likod. Napalingon kaming tatlo para tignan kung sino. Laking gulat ko ng makita kong nakatayo si hurricane sa harap namin.

"H-hurricane?" Sabi ko, Nauutal utal pa ko ano ba yan. Ganyan ba talaga epekto ng pangalan ng bestfriend ko?

"Ah-Hehe, Hello." Aniya nya sabay hawak sa batok.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Ano kayang kailangan nya? Hmm.

"W-wala lang, I just want to be friends with you." Aniya nya, Nagkatinginan kaming tatlo nang sinabi nya yun, Kumunot naman yung noo ni steven.

"Ahhh, Sure!" Ngumiti naman ako. Wala namang masama eh, Bakit hindi. tsaka eto na rin yung time para malaman ko yung tungkol about sa kanya.

"Excuse me lang girls ah, May kailangan pa pala akong gawin." Sabi ni steven sabay tayo at alis.

"Teka steven." Pagpigil namin ni mimi, pero di nya kami pinansin. Nagkatinginan kami ni mimi.

"Uhh, I'm sorry about that." Yumuko sya, "Siguro ayaw nya. S-sige thanks na lang, See you!" Akmang aalis na sya.

"Teka lang-" Pagpigil ko sa kanya.

"Uhhh?" -Hurricane

"Wag ka muna umalis. Pasensya na sa kaibigan namin. Baka may gagawin lang talaga sya." Sabi ko, Ngumiti ako sa kanya. Mukha naman syang mabait eh.

Ngumiti din sya, "Ah ganun ba."

"Tara upo ka dito oh..." Pagaya ni mimi, sabay tap sa tabi nya.

Wow, tabi nya talaga ah? HAHA, pasimple pa talaga to si mimi eh. Ngumiti sya sakin, yung nakakalokong ngiti sabay nag oh-my-gosh-bes-ayan-na-sya-look. Hahaha. Agad naman umupo si hurricane.

"Hello." Sabi ko

"Ahh, Hello, HAHA. " Sagot nya

"Okay ka lang?" Singit ni mimi

"A-ah, O-Oo. Hehe.." Sabay kamot sa ulo. Psh. Ayan nanaman. Minsan naisip ko, nagkakahawaan ba ng kuto ang mga lalaki, Bakit ba sila laging kumakamot sa ulo. Ts. Kalbuhin ko sila eh.

"Talaga? May kuto ka?" Tanong ni mimi, Tinignan ko sya ng masama, Nakakahiya naman yung tanong nya kay hurricane noh. "Huh?" Nagtatakang sabi ni hurricane.

"Ah, Wag mo na pinagpapapansin yan, May saltik kasi yan eh. Anyway, Ano nga palang buong pangalan mo?" Singit ko para naman di sya ma-ano sa tanong ni mimi. yung ma-ano. basta yung ano. yun na yun! Haha. Ay ano ba ang gulo ko. Sorry. Haha.

"Ah, I'm hurricane Skyfold." Sagot nya

Hmmm? Skyfold? Ang kulit naman ng surname nya.

"Skyfold?" Tanong ni mimi

"Yeah." - Yuri

"Ang kulit naman ng apelido mo. Langit na langit ah. pati pangalan mo. Hurricane. Disaster huh." Pagbibiro ni mimi. Loko talaga to si bes.

Humalakhak sya  "Yeah, Ewan ko ba sa mom ko kung bakit ganyan pangalan ko."

"Ang cool nga eh." Sagot ko

"Yeah, Pretty cool." Singit ng isang lalaki. Boses pa lang nya alam ko na. Alam ko na kung kanino yun. At ayan na naman ang baliw kong puso. Umaalate na naman ang desease ko. Leche, Boses pa lang yan heart. Easy ka lang.

Dahan dahan kong nilingon para makita ko ang lalaking nagsalitang 'yon.

"D-dwayne?!" I said. Nagulat ako. kala ko kasi may sakit pa sya. Tsaka naalala ko na naman yung pinag gagawa nya sakon kanina. yung mga panttrip nya. Psh.

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon