NO!
Tulala akong nasa sasakyan ni dwayne. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.
"Babe, You okay?" Tanong sa akin ni dwayne na nagddrive. Hinawakan nya ang kamay ko at marahan nyang pinisil pisil.
Tumango ako bilang sagot. Pero ang totoo hindi talaga ako okay. Maraming bumabagabag sa utak kong hindi ko maipaliwanag.
*Flashback*
"She's my ex." Paliwanag ni hyuri. Unang tanong ko kasi sa kanya kung bakit nandito si nicole.
Nandito ako sa loob ng kwarto nya. Kaming dalawa lang. Ang nasa labas ay ang magulang nya, si dwayne at si nicole. Kainis! Bakit ba kasi ang liit ng mundo? Ex ni hyuri si nicole na patay na patay kay dwayne? Yung totoo? Bakit ganito?
Kung pwede lang puntahan ko si dwayne sa labas at papasukin na lang dito. Hindi ako mapakali. Nakakainis! Ang tagal ng 5 minutes na 'to. Sana pala pumayag na lang ako na 3 minutes nya.
"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko.
May bandage ang kanyang pisngi, pati ang katawan nya. Hirap syang magsalita dahil puro bugbog ang kanyang mukha.
"Gusto kong humingi ng tawad sa'yo..."
Hinayaan ko lang sya magsalita at magpaliwanag. Nakatayo ako sa may gilid ng higaan nya.
"Naalala mo ba yung nagkita tayo sa canteen? Yung sumabay ako sa inyo ni mimi.."
Oo, yun yung time na akala ko sya yung bestfriend ko na matagal ko ng hinahanap. Tumango ako bilang sagot.
"Pagkaalis mo, Nakipagkita sa akin yung ex ko. Sya yung sinasabi ko sa inyong binabalikan ko."
So bumalik sya sa school dahil gusto nyang balikan si nicole. Ngayon alam ko na.
"Kaso, pagbalik ko. Iba na sya sa inaasahan ko. Ibang iba noong iniwan ko.."
Iba? Anong iba? Ang ibig ba nyang sabihin ay hindi ganun si nicole dati? Mabait sya dati? Iniisip ko kasi na masama sya, dahil sa ginawa nya sa akin. Yung pagpapahirap nya sa akin. Hinding hindi ko nakakalimutan 'yon!
"Ginamit nya ako para makaganti sa'yo, kapalit ng pagbabalik nya sa akin.."
Tinaasan ko sya ng kilay, "Huh?"
Iniisip ko kung ano bang ginawa ko sa kanya para gantihan nya ako. Ngunit wala talaga ako maisip na may ginawa akong masama sa kanya.
"She's deeply inlove with Dwayne Willson...That she can do everything para lang makuha nya ito."
Nangunot ang noo ko. Shit! Bakit iniwan ko si dwayne sa labas. Dapat pala hindi ko sya hinayaan dun. Mas lalong hindi ako mapakali. Baka kung ano ng ginagawa ni nicole sa kanya. Dammit!
"Ako naman si tanga, Pumayag ako....Nagpagamit ako sa kanya."
Ang tanga mo talaga! Bakit nagpa-gamit ka? Alam mong patay na patay sya kay dwayne eh. Yun ang gusto kong sabihin sa kanya, pero hinayaan ko na lang ang sarili kong tumahimik na lang. Dahil leche, hindi na talaga ako makatiis dito.
"Pinagplanuhan nya ang lahat ng gagawin ko sa'yo..Nung una, Makipagkaibigan ako. Ginawa ko naman.."
Three minutes pa lang. Bakit ang tagal ng oras? Nakakainis!
"Hanggang sa pinaligawan ka nya sa akin. Pero hindi ka pumayag. Mas lalo syang nagalit sa akin, dahil mas naging close kayo ni dwayne."
Ang sama nila! Buti na lang hindi ako pumayag agad. At nagpapasalamat na lang talaga ako kay dwayne dahil dumating sya sa buhay ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala sya. Hay!
BINABASA MO ANG
My Mysterious Guy
RomanceHe was so kind, He was so brave, He was so cute, He was my savior, He is annoying but... He is my forever bestfriend. A Childhood bestfriend. And. And i secretly love him. Not just only as a bestfriend, but as a future lover. I know it's not right...