CHAPTER 6

259 2 0
                                        

I MISSED HIM.

"Good morning tita." Bati ko habang kinukusot ang mga mata ko, Kakagising ko lang kasi.

"Oh hija, gising ka na pala. Mag breakfast ka na." Aniya ni tita habang nagbabasa ng dyaryo, Kabababa ko lang kasi.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Umupo na rin ako sa tabi nya para mag breakfast.

Kung tatanungin nyo kung ano ang nangyari kahapon sa canteen. Well, Wala naman. kumain lang kami nila steven at nagtawanan. Dumating din ang IBIG dun at gaya ng dati, may kasama na naman silang mga babae. Nagkakatinginan kami nung dwayne na yun pero iniirapan ko lang sya.

At ngayon, Sabado ngayon. kaya nandito ako sa bahay. malamang wala akong pasok. >:D

 "Hija, may gagawin ka ba ngayon?"

 Napatingin naman ako kay tita na nagbabasa pa rin ng dyaryo. "Uhm, wala po tita. bakit po?"

Kinuha ko ang chocolate powder na jar na nakalagay sa gitna, Sumalok ako ng tatlong kutsara at nilagay sa mug ko.

"Samahan mo ko mamaya, Pupunta tayo sa restaurant." She said while sipping her coffee.

Napatigil ako sa ginagawa ko, "Talaga tita? Sige po. Maliligo at magbibihis po muna ako." Excite kong sabi.

"Oo, Ipapakilala kita sa mga staffs dun, dahil hindi muna ako makakapunta dun mamaya, may aasikasuhin akong problema sa kumpanya. Mamaya wala ako, kaya ikaw muna magbantay at mag.asikaso doon." Paliwanag nya. Mukhang seryosong seryoso talaga sya sa pagbabasa ng dyaryo dahil hindi man lang nya ko sinusulyapan.

Ngumiti na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa kong pag titimpla. "Sige po tita. Gusto ko po yun."

"Maligo at magbihis ka na pag tapos mong mag almusal para maaga ka rin makauwi."

Tumango na lang ako at nagsimulang kumain, After kong kumain ay humalik na ako sa pisngi nya, "Tita maligo na po ako." Paalam ko, Tumango sya at ako naman ay kumaripas na ng takbo.

Dumiretso na ako sa CR ng kwarto. May sariling CR kasi ito at malaki sya. Naligo na ako at nagbihis. Simpleng damit lang ang sinuot ko, nag blue dress lang ako na hanggang tuhod at nag black flats. Nagsuot din ako ng headband na kulay blue. Nag lipgloss lang ako at nag pulbo. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin at tinignan ko ang suot kong dress.

Naalala ko na naman tuloy ang childhood bestfriend ko. mahilig kasi yun sa blue eh. kinuha ko yung keychain na hugis kalahating puso sa cabinet ko. Silver keychain sya na may blue diamond na maliit sa gilid at may nakalagay na "YU" sa gitna. Ang kalahati naman nito ay nasa bestfriend ko, Ganito rin ang hugis pero pink diamond naman ang kanya at may ukit na "YV" Pag pinagdikit mo nga ang dalawa ay magiging hugis puso ito.

Bigay ito sakin ng bestfriend ko noong birthday ko doon sa nueva ecija. 8 years old pa lang ako noon.

*Flashback**

"Yvonne!! *Ibon ang pronunciation nya*

"Hay nako! Bahala ka jan! Hindi kita papansinin pag inasar mo pa rin ako ng ibon! Yvonne ang pangalan ko hindi ibon!" Sabi ko sakanya habang nakatalikod ako at naka.crossed arm. Nakakainis kasi sya eh, Lagi akong tinatawag na ibon. Hay!

Nasa labas ako ng aming bahay. Sa loob kasi ay nag kakainan ang mga kamaganak namin. Dahil birthday ko ngayon. Marami sila dun, eh mejo maingay kaya lumabas muna ako. Pero sinundan pala ako ng pangit na to, kanina pa ako inaasar kaya hindi ko na sya papansinin. Epal lang.  -___-

My Mysterious GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon